KINABUKASAN, pagkagising pa lang ni Anthony ay nagdasal na agad siya. Humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya kagabi. "Our Father, who art in heaven, hallowed be thy name; thy kingdom come; thy will be-," Marii siyang napapikit nang maalala ang mga nangyari sa kanila ni Sergio kagabi. Ang paghawak at bawat paggalaw ng kamay nito sa p*********i niya. Naisubsob niya ang mukha sa kanyang mga palad. "Diyos ko, patawin ninyo ako. Patawarin ninyo ako dahil nakalimot ako sa inyo... Kung mali itong tinatahak ko, ilayo niyo ako sa kasalanan." Alam ni Anthony sa sarili niya kung ano talagang pagkatao meron siya, pero ginagawa niya ang lahat para pigilan at kalimutan iyon. Pero muling binuhay ni Sergio ang pagkataong pilit niyang tinatago. Nagbuntong-hininga siya at pinakalma ang sarili at mul