MADILIM ang bahay nang makauwi si Anthony galing sa El Barco. Buntong hiningang binuksan niya ang pinto. Hindi na rin siya nag-abala pang buksan ang ilaw pagkapasok. Dumiretso na lang siya sa kwarto niya at pabagsak na nahiga sa kama. Parang kasalanan pa niya'yung nangyari sa kanila ni Sergio. Kung makapagsalita naman ito parang siya lang ang may gusto at parang hindi ito nag-enjoy sa ginawa nito sa kanya. Kung alam lang nito kung gaano siya nagsisisi na nagpatangay siya sa tukso. Ganu'n ba ito kagalit sa nga katulad niya para mag-react ito ng ganu'n? Tinuyo niya ang nabasang pisngi dahil sa butil ng luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Nakakainis lang dahil ang babaw talaga ng luha niya. Ang sakit lang sa dibdib na makita kung gaano kagalit si Sergio sa kaniya kanina. Hindi niya alam kun