CHAPTER FIVE

1834 Words
UNANG gabi pa lang ni Anthony sa private house ni Dyon sa isla ay binulabog na agad siya ng mga nakakakilabot na ungol, kaya halos hindi siya naka tulog ng maayos kagabi. Inis na umalis si Anthony mula sa kama at dumiretso sa banyo para makapaghilamos. Ng matapos ay sumilip muna siya sa pintuan, nang masiguro na wala si Sergio ay tsaka siya tuluyang lumabas. Ayaw niya kasi makita ang mahalay na kaibigan ng pinsan niya. Pagkalabas ay dumiretso siya sa kusina para gumawa ng kanyang almusal. Naghalughog siya sa mga kabinet ng pagkain na pwede niyang lutuin. Naka kita siya ng instant coffee kaya agad siya nag init ng tubig. Binuksan niya ang refrigerator at napangiti siya nang maka kita siya ng ham at hotdog na agad niyang kinuha. Habang naka salang pa ang tubig na ininit niya ay sinimulan na niyang lutuin ang ham at hotdog. "What breakfast do we have?" napapiksi si Anthony nang may magsalita sa likuran niya, it's Sergio. Narinig niya ang paghakbang nito papunta sa refrigerator at kinuha nito ang babasaging pitcher. "Father—," "Don't call me Father, I'm not yet a priest," mabilis niyang sabi. Kumuha ng baso sa kabinet si Sergio, nagsalin siya ng tubig at agad niya iyong ininom. Lihim niya pinagmasdan si Anthony, matangkad na rin ito sa height niyang 5'7 pero higit pa rin siyang matangkad sa height niyang 6'1. Sakto lang din sa tangkad ni Anthony ang pangangatawan nito. Meron itong maputing balat na kapag hinampas ay tiyak agad na babakat. Dumapo ang mga mata niya sa maamong mukha nito. Meron itong makakapal na kilay, mapipilantik na mga pilik-mata, ilong na tila hinulma sa pagkatangos, mapupulang mga labi, at ang higit na naka agaw sa atensyon niya noong una pa lang niya itong makita ay ang berde nitong mga mata na tila nakakahipnotismo sa kanya. Natigilan si Sergio sa isiping iyon. Why the hell is he thinking right now? Okay gwapo ito, pero wala pa rin itong panama sa taglay niyang kagwapuhan, sayang nga lang at mag-papari ito. "Okay, brother na lang?" Inis itong nilingon ni Anthony. "Anthony is more better." Nagkibit balikat si Sergio. "Okay." "At isa pa, pagkain ko lang ito," anito na ikinataas ng kilay ni Sergio. Sergio rolled his eyes. "Okay lang, magpapadeliver na lang ako," aniya na umalis na sa kusina. Kaya niyang bumili ng sariling pagkain. Pagkatapos magluto at magtimpla ng kape si Anthony ay agad na rin siyang kumain ng umagahan. Nang matapos ay agad niyang hinugasan ang mga ginamit na pinagkainan at pinaglutuan. Paglabas niya sa kusina naabutan niya sa sala si Sergio na kumakain ng pina-deliver nitong Mcdonalds. "You want?" alok nito. "No thanks. Bakit hindi mo alukin 'yung kasama mo kagabi?" mabilis niyang sagot. "Pinaalis ko na siya kanina pa." "Pinaalis mo nang hindi mo pinakain ang girlfriend mo?" kunot noong tanong niya. "She ate a lot last night, isa pa hindi ko siya girlfriend," naka ngising sagot ni Sergio. Nanlaki ang mga mata ni Anthony sa sinabi niya. Natutuwa si Sergio sa nakitang reaksyon mula rito. So innocent. "You imagined?" he teased him more. "Patawarin ka sana ng Diyos sa pinaggagawa mo," anito. Humalagapak si Sergio ng tawa dahil namumula ang mukha nito. "Anong nakakatawa?" inis na tanong ni Anthony. May nasabi ba siyang mali? Mabilis na umiling si Sergio habang hawak ang sumakit na tiyan dahil sa kakatawa. "You know, there is nothing wrong with having s*x, Anthony. It is a pleasure that gifts from above." "Huwag mong gamitin ang itaas sa kahalayan mo, Sergio!" sikmat niya rito. Tuluyang nawala ang ngiti ni Sergio sa mga labi. "Wala ka kasing alam, masyado kang nabulag sa kainusentehan mo." "HIndi ako inosente!" Anthony snapped. Muling nagkibit ng balikat si Sergio. "Okay sabi mo eh," hindi niya ugaling makipagtalo lalo na sa paniniwala ng iba pero hindi niya alam kung bakit naiinis siya ngayon. "Anyway, bakasyon mo naman ngayon diba? I will teach you the things you don't know." Nangunot noo naman si Anthony. Anong bagay na hindi ko alam? "Anong ibig mong sabihin?" "Like having s*x, and hey! Threesome is the best!" lalong pinamulahan ng mukha si Anthony sa sinabi nito. Ano ba talagang klaseng lalaki ito? Napaka balahura ng pag iisip at bastos ang bibig. Malalim siyang nag buntong hininga at imbis na sagutin ito ay iniwan na lang niya ito sa sala at tuluyan nang pumasok sa kaniyang kwarto. "Just tell me if you want, I can provide you a woman, Brother!" narinig niya pang sabi nito bago tuluyang lumapat pasara ang pinto. NAPAHINTO sa pagdarasal si Anthony nang malakas na nagtawanan mula sa sala sila Sergio kasama ang mga hindi niya kilalang tao. Wala rin naman siyang balak na kilalanin ang mga ito. Siguradong mahalay rin ang mga ito tulad ni Sergio. Mariin siyang napapikit at humigpit ang pagkakahawak niya sa rosaryo. Kahit na nagdesisyon siyang lumayo muna sa mga magulang ay hindi nahinto ang pananalig niya sa diyos. Kahit na gusto niyang hanapin ang tunay na gusto niya ay pinangako niyang hinding-hindi niya ito kakalimutan. Marahas siyang nagbuntong hininga at muling pinagpatuloy ang pagdarasal. Nang muling nagsigawan ang mga tao sa labas ay inis siyang tumayo mula sa pagkakaluhod sa harap ng maliit na altar na ginawa niya kuway dumiretso sa pintuan. Huminto sa pagtawa ang mga ito nang mapansin ang presensya niya. "Hey! Brother, you want to join us?" si Sergio na itinaas ang hawak na baso na may lamang alak. "Who is he? Hindi ko alam na tipo mo na rin lalaki?" natatawang tanong ng lalaking katabi ni Sergio. Binatukan ni Sergio ang kaibigan. "Gago, pinsan 'yan ni Dyon. Nagbabakasyon din siya rito. By the way, Anthony, si Arthur nga pala tropa rin ni Dyon." Pagpapakilala niya sa mga ito. Muling nag buntong hininga si Anthony at inauos ang suot na salamin at hindi pinansin ang sinabi ni Sergio. "Inaabala ninyo ang pagdarasal ko," walang emosyong sabi niya. "Pagdarasal?" kunot noong tanong ni Arthur. "Hindi ko alam na may kamag-anak na banal si Dyon?" "Isa siyang seminarista," bulong ni Sergio sa kaibigan pero rinig na rinig niya iyon. Nakakalokong tumawa ang kaibigan ni Sergio. "Sayang di mo matitikman ito," anito na hinawakan ang dibdib ng katabing babae. Pinamulahan ng mukha si Anthony kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. "Mga bastos!" sigaw niya at pabagsak na sinara ang pinto. "Ipagdasal mo kami, Father!" narinig pa niyang sigaw nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong sitwasyon kasama si Sergio. Dapat niya nang kausapin ang pinsan niya na aalis na lang siya rito. Bukas na bukas tatawagan niya agad ito. "NO, you stay there, Anthony. You are not going anywhere," mabilis na sagot ni Dyon mula sa kabilang linya nang sabihin niya ritong aalis na siya sa private island nito. "Pero kasi kuya hindi ako maka pag-focus sa pagdarasal ko. Hindi ko rin magawang kumilos ng maayos dahil sa mahalay mong kaibigan." "Did he do something to you?" "Wala. Ano naman ang gagawin niya sa akin?" mabilis niyang sagot. "Wala naman pala." Anthony rolled his eyes. "Kuya, hindi ko matake na may nakikita at may naririnig na mga kahalayan. Bulgaran niyang pinapakita ang pambababoy sa mga babae!" parang batang sumbong niya sa pinsan. Natawa ang kausap nila mula sa kabilang linya. "Pambababoy? That's an accurate, Oni. You only said that because you never experience the things called sex." Napabangon siya mula sa pagkakahiga. "I don't need to experience it, Kuya. Kahit hindi ko gawin ang mga bagay na 'yun, I know the word respect," he pointed. "Iba kasi ang mundong naka sanayan mo sa loob ng dormitoryo, Oni. Lahat kayo doon banal—," "Hindi lahat. Meron din gumagawa ng mga kalokohan." "Pero hindi ganu'n kalala. Ito ang tunay na mundo, Oni. Hindi ba kaya kayo binigyan ng bakasyon para kilalanan ang mga nasa paligid ninyo? Para makita ang tunay na mukha ng mundo? Doon kayo susubukin kung hanggang saan ang kaya mong tiisin sa temtasyon. Don't over think, Oni. Just go with the flow." "Go with the flow? What do you mean by that?" kunot ang noong tanong niya. Nagbuntong hininga si Dyon. "Don't worry about, Sergio. Kung may gawin man siya sa iyo, ako ang makakalaban niya." Naging malikot ang mga mata ni Anthony, iniisip niya kung ano ba ang ibig nitong sabihin tungkol sa sinabi nito. Hindi kaya…. "Bisexual ba siya, kuya?" wala sa isip na tanong niya. Sa gulat niya ay humalagapak ito ng tawa. "No. Lalaking lalaki si Sergio. Alergic siya sa mga gay. So, you are safe." "Umh… Lalaki rin ako, kuya," mariin niyang sabi. "Wala akong sinabing hindi ka lalaki, Oni. Teka! Bakit mo ba biglang naisip 'yan?" "W-wala lang." "Sige ganito na lang… I will talk to Sergio okay? Just please, wag kang aalis dyan for my peace of mind." Sandali siyang nag-isip bago pumayag sa gusto nito. "Okay, Kuya." "Good." "Bye, Kuya." "Bye!" Nagbuga siya ng hangin habang nakatitig lang sa hawak niyang cellphone. Ilang minuto pa siyang nasa ganung ayos bago nagdesisyong maligo. Pagpasok sa banyo ay agad niyang hinubad ang suot na mga damit at inilagay sa basket. Binuksan niya ang shower at agad na pumailalim sa rumaragasang tubig. While bathing he sang a worship song. He was in that position when the door suddenly opened, iniluwa ni'yon ang madilim na mukha ni Sergio. Anthony forget to lock the door. Pero ang pag-uugali na basta na lang ito pumapasok sa kwarto ng iba? "A-anong ginagawa mo?!" Sandali itong nakatitig sa kanya bago walang pakialam na humakbang ito palapit sa kanya. Pumailalim din ito sa tubig at kinorner siya nito sa sulok ng banyo. "Inalisan mo ako ng mapaglalaruan at mapaglilibangan, Anthony," he said hoarsely. Halatang nakainom na ito. Nahihiya na siya sa posisyon nila ngayon dahil wala siyang suot ni isang damit! Malakas niya itong tinulak palayo. "A-ano bang pinagsasasabi mo?! Lumabas ka nga rito!"  Hinuli ni Sergio ang mga kamay ni Anthony na tumutulak sa kanya palayo. Hindi niya alam kung dala lang ba ng alak kung bakit nakakaramdam siya ng init ngayon. Ang gusto lang naman niya ay asarin ito at takutin dahil sa pagsumbong nito kay Dyon, pero nang makita niya ang katawan ni Anthony tila siya nademonyong lapitan ito. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. So, like what Dyon said, Anthony is a gay. Magagamit niya iyon pang-asar dito hanggang sa ito na mismo ang magkukusang umalis dito. Hindi siya ang mapapaalis dito. Matira ang matibay. "Dahil sa pagiging sumbungero mo, pinagbawalan akong magdala ng mapaglalaruan ko rito, kaya ikaw ang paglalaruan ko. Be ready, Oni." pagbabanta niya. Mariin itong pumikit nang akmang hahalikan niya ito, pero pang aasar niya lang 'yun. Malakas siyang tumawa at lumabas na ng kwarto. Tulala namang naiwan si Anthony habang ang tingin ay nasa bukas na pinto. Dapat ba siyang kabahan sa sinabi ni Sergio? Isa ba 'yung pang-aasar o isang pagbabanta? Akala niya isang paraiso ang pag-stay niya rito, ayun pala isang bangungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD