DUMOBLE ang kaba ni Anthony nang huminto ang sasakyan sa harap ng mansion ng mga Fuentebella. Marami-rami na ring bisiti at talagang hindi siya sanay sa ganito. "Kinakabahan ka ba?" Pukaw sa kaniya ni Nathan ng mapansin nito ang pananahimik niya. Nilingon niya ito at marahan na tumango. "Oo eh." Nginitian siya nito. "Don't worry, you are with me. O kaya ka kinakabahan dahil sinabi ni Dyon kay Sergio na ako ang boyfriend mo." Hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya. Dahil tuloy doon kinakailangan ni Anthony na ipagtapat kay Nathan ang tungkol sa kanila ni Sergio. "Isa rin iyan sa dahilan ko. Ewan ko ba kay Kuya Dyon kung bakit sinabi niya pa ang tungkol 'dun." "Honestly nakaramdam ako ng saya nang sabihin mong sinabi ni Dyon kay Sergio na may relasyon tayo. Iniisip ko pa lang ang n