KASAMA ko ang limang babae sa room kaya tinanong nila agad ako no'ng matutulog na kung kaano-ano ko si Deniz. "Hindi talaga kayo ni Captain D?" Umiling ako. Kapag sinabi kong oo baka maramdaman nila na iba ang turing sa akin at may special treatment kasi kami ngang dalawa. "Gusto ka niya. Iba makatingin," sabi ng isa. "Hoy! Magsitulog na kayo!" Kanya-kanya kaming balik sa higaan dahil sa kalampag ng agent sa bakal ng bunk bed na higaan. "Basta type ka niya, Bree!" sabi ng isa at pumikit na. Natawa naman ang ibang nakarinig. Ngumuso lang ako at tumalikod para matulog. Napaka-obvious naman kasi nang lalaking 'yon. We did our usual morning workouts. Nagkaroon ng shooting range pagsapit ng alas-diyes ng umaga. Pumalakpak ang mga kasama ko matapos ni Deniz ipakita sa amin kung paano niy