NANATILI pa rin si Deniz sa video call kahit na tapos na akong kumain. Wala man siyang sinasabi basta 'yong andyan ang presence niya kahit sa cellphone lang ay ramdam ko namang masaya pa rin kaming dalawa. "Stop calling her, Deniz! Hindi kami makapag-usap ng maayos ni Bree," biro lang naman ni Alexia iyon sa kapatid niya. "Shut up, Alexia." Natawa lang ang kapatid nito at nagba-bye na dahil magtatrabaho na ulit. Nag-uusap kami kanina ni Alexia sa ibang details sa wedding niya. Bukas ay magpapasukat na rin ako kasama ang iba niyang brides maid para sa gowns namin. "Uuwi na rin ako. Call me back, pupunta lang ako sa parking," sabi ko sa kanya sa harap ng camera. "Alright." Tsaka kami nag-usap nang nasa sasakyan na ulit. Nagkukwento siya tungkol sa nangyari sa kanya buong linggo. Nakiki