KUNTODO ang iling ko sa sinabi ni Tito Abel. Madilim ang anyo niya ng lumapit sa akin. Napakapit ako ng mahigpit sa lababo. Inatake ako ng kaba sa paraan ng paninitig niya. "Hindi ka p'wede na magnobyo, Inday. Bata ka pa para diyan." Napalunok ako at sa takot ko napatango na lang. Ayoko ng magsalita at baka humaba pa ang usapan namin. Humakbang si Tito pero natigil siya agad ng lumabas si Marisol. Lumayo si Tito at ako naman ay nagpatuloy sa pagpiprito. Napangiwi ako dahil muntik pa na masunog ang niluluto ko. Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo si Tito sa akin. Panay ang tingin ko sa cellphone ko kung nag-reply na si Samuel pero wala pa din. Sabi niya kasi ay may gagawin siya pero kanina pa iyong umaga. Gabi na pero wala pa ring reply. Me: Babe, busy ka pa rin ba? Nilagay ko sa ilali