Nakatulog na noon si Russel nang natapos siya sa akin. Bumangon ako sa kama at panay pa rin ang pagtulo ng luha habang nagbibihis ako doon at umalis pagkatapos. Galit ako sa kaniya. Galit ako sa ginawa niya sa akin. Parang hindi siya ang Russel na minahal ko habang inaangkin niya ako kanina. Parang ibang tao siya.
Pinahid ko ang mga luha. Nakasakay ako sa bangka pauwi sa amin. Nang makarating ako sa bahay ay lalo pa akong umiyak nang umiyak nang madatnan ko nalang na wala na si Lola... Inatake siya sa puso habang wala ako at wala rin siyang kasama sa bahay... Pakiramdam ko mamatay na ako sa sakit.
Binurol si Lola hanggang nilibing. Hindi na nagpakita pa sa akin si Russel. Hindi na rin ako bumalik pa sa Villa Martinez. Pagkatapos ng libing ay nagdesisyon akong umalis at lumayo. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko gusto kong lumayo sa lugar na makakapagpaalala lang sa akin sa kaniya. Galit ako sa kaniya. Parang gusto ko nalang maglaho...
Pero noong nagkaroon ako ng hinala at nakumpirma sa biniling test ay parang nagising ako. Parang nagkaroon ng pag-asa na mabuhay pa. Nasa ibang lugar na ako noon. Naisip ko si Russel. Naisip kong sabihin sa kaniya. Pero kapag naiisip ko rin iyong ginawa niya sa akin umiiyak nalang ako sa galit. Hindi ko inasahan na kaya niya iyong gawin sa akin.
Buntis ako at sa trabaho na lumaki ang tiyan at nanganak. Nasa parteng visayas pa rin ako noon pero malayo na sa kinalakhang lugar. Namasukan ako bilang kasambahay. Kinupkop ako ng mag-asawang walang anak. Naging mabuti naman sila sa akin. Sa amin ng mga anak ko. Pero gusto nilang ampunin ng legal ang mga anak ko. Pinipilit nila ako kaya umalis, tumakas din ako doon sa kanila dala ang kambal.
Hindi ko na naman alam kung saan pupunta. May kasama pa akong dalawang bata. Pero kinaya ko. Naghanap ako ng paraan. Para sa mga anak ko. May pera pa naman akong naipon. Lumuwas kami pa-Maynila. Hindi pa ako sigurado noon pero naisip kong baka doon ay may mas magandang buhay na naghihintay sa amin ng mga anak ko. Namasukan muli akong kasambahay. Pero hindi rin nagtagal dahil ang sabi ng naging amo ko ay abala rin daw ako sa mga anak ko. Naka-upa kami ng maliit na bahay. Naglalabandera ako sa kapitbahay. Namuhunan sa maliit na negosyo, pagtitinda ng ulam ba o meryenda. Kahit ano para mabuhay ang mga anak ko. Nahirapan ako. Pero kinakaya ko. Dahil responsibilidad ko ang mga anak ko. At mahal na mahal ko sila.
Pero hindi sapat iyon dahil sakitin si Princess... At iyon na nga ang nagdala sa akin kung nasaan ako ngayon.
Naging successful naman ang operasyon ng anak ko. Nalipat na rin siya sa private room niya. Halos doon muna kami tumirang mag-iina sa ospital hanggang sa tumuluyang bumuti si Princess. Kailangan pa naming manatili sa ospital at patuloy din ang mga babayaran sa bills namin doon.
"Jewel, pinapabalik ka na ng client mo. Ako na muna ang bahala dito kay Princess at Prince." paalala sa akin ni Tati.
Hinahanap na nga ako ni Russel. Sinubukan niya rin akong tawagan pero hindi ako sumasagot at pinapatayan ko lang siya ng telepono. Tumango ako kay Tati. Alam kong binayaran ako... At hindi ako puwedeng tumanggi. "Pupuntahan ko na siya, Tati... Pero nakakaabala na ako sa 'yo. Alam kong may mga naiwan ka rin sa bahay mo. May anak ka rin na kailangan alagaan. Siguro kukuha nalang ako ng magbabantay sa mga anak ko habang wala ako dito."
"Ano ka ba. Ayos lang naman. Pero sige ako na ang bahala. Ihahanap kita ng pansamantalang magbabantay sa mga anak mo."
Tumango ako at tipid na ngumiti kay Tati. "Salamat, Tati."
Naghanda nga ako para sa pag-alis. Hinintay ko muna na dumating iyong magbabantay sa mga anak ko bago ko sila iniwan at binilinan 'yong bantay nila. Mukha naman itong mabait kaya kahit papaano nakampante rin ako. "Prince, aalis muna si Mama. Ito ang ate Melba ninyo. Siya muna ang magbabantay sa inyo ni Princess habang wala ako. Huwag kang pasaway sa kaniya, okay?"
"Opo, Mama." tumango ang anak ko.
Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Pinuntahan ko naman si Princess na natutulog at nagpapahinga sa hospital bed niya. Hinalikan ko rin siya sa noo at bumulong ng paalam. "I love you, anak. Dito ka lang. Magpagaling ka lang. Si Mama na ang bahala sa lahat."
"Sige, Melba, ikaw na muna ang bahala sa kanila."
"Opo, ate. Ako na ang bahala. Huwag po kayong mag-alala."
"Salamat,"
Paalis na ako nang may habol na tanong si Prince. "Saan ka pupunta, Mama?"
Hindi agad ako nakasagot. "May pupuntahan lang si Mama, anak... Hindi ako magtatagal." pangako ko sa kaniya.
Tumango naman siya. "Babantayan ko po si Princess habang wala ka, Mama."
Napangiti ako at niyakap siya. "Salamat, anak."
Nakaalis na ako sa ospital at pumunta naman sa tirahan ni Russel. Mag-isa na akong pumunta doon at alam ko na iyon. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala siyang damit pang-itaas at tanging maliit na towel lang ang nakatabon sa ibabang parte ng katawan niya. At masungit ang mukha niyang bumungad sa akin.
"Bakit ngayon ka lang?" suplado niyang tanong.
Niluwagan niya ang bukas ng pinto at pinapasok ako. Naamoy ko ang bango niya. Galing lang siya sa pagligo base sa basang tumutulo pa mula sa buhok at katawan niya.
Nagbuntong-hininga ako. "Gawin mo na ang gusto mo sa akin para makaalis na ako."
"Really, huh." halos singhalan niya agad ako.
Nagkatinginan kami. Galit o inis ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Pagkatapos hinila na niya ako papasok sa alam ko nang kuwarto niya. Sumunod lang ako.
Dinala niya ako sa banyo. Agad niyang binuksan ang shower at suminghap nalang ako nang maramdaman ang tubig sa katawan ko. Sinira niya lang ang damit na suot ko. Nagsimula niya akong halikan sa leeg. Pakiramdam ko namamanhid nalang ako.
Ayaw ko nalang makaramdam. Iniisip ko nalang ang mga anak ko. At ang magagawa ng pera niya para sa aming mag-iina.
Marahas ang mga hawak niya sa akin. Masakit ang pigpisil ng palad niya sa dibdib ko. Parang nagpaparusa ang pagsipsip niya sa u***g ko. At kinakagat niya rin iyon. Nakatakas ang ungol sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagngisi niya.
"Kneel," utos niya.
Ginawa ko. Lumuhod ako sa harap niya at alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari. Hinawakan ko ang p*********i niya at binuka ang bibig ko sa harap niyon. Nilabas ko ang dila ko at nagsimulang dinilaan ang ulo ng ari niya. Narinig ko siyang nagmura. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hindi na inalis ang eye contact habang unti-unti kong pinapasok ang kahabaan niya sa bibig ko.
Napapikit ako at halos mabulunan. Ginawa ko ang gusto niya. Hinayaan ko siyang gamitin ako. Pakiramdam ko isa niya lang akong parausan. Ano pa nga ba. Ang tingin niya sa akin ay isang puta. Inakusahan na niya akong malandi noon. Wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin niya sa akin. Mas mahalaga sa akin ang mga anak ko higit sa kahit ano pa mang bagay sa mundo. Sila na ang buhay ko. Ang lahat-lahat sa akin.
Nang makalabas kami sa banyo ay pinadapa niya ako sa kama. Hinayaan ko lang siyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa akin... Tinatamaan pa rin ako ng pakiramdam sa nangyayari sa amin pero sa huli mas nangibabaw ang pamamanhid.
"Where are you going?" maagap niyang tanong nang makita akong bumangon sa kama.
"Pahiram muna ng damit mo. Sinira mo ang akin. Kailangan ko nang umalis." sabi ko sa kaniya.
"No. Binabayaran kita so I get to say kung kailan ka aalis o paaalisin pa ba kita. It's not you who get to decide here. Kailangan mong magpaalam muna sa 'kin. You get it? At kapag sinabi kong puntahan mo 'ko pupunta ka agad. And answer my f*****g calls." singhal niya.
Nagtiim-bagang ako. Hindi na sumagot at tumango nalang. Kapag may reklamo siya sa akin may babayaran din akong penalty. Iyon ang mga paalala sa akin ni Tati. Kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang sakalin. Naiinis ako sa kaniya, nagagalit. Gusto ko nalang umiyak sa frustration.
"Good," aniya. Tumayo siya at umalis sa kama. Natanggal ang nakatakip na kumot na tanging tumabon sa katawan niya nang bumangon siya. Wala siyang pakialam na hubad na naglakad sa harapan ko. Pumasok siya sa walk in closet niya.
Nang makabalik ay may dala na siyang damit para sa akin. Isang malaking shirt. "Wala ka bang shorts?" tanong ko.
Umiling siya. "My shirt would fit as a dress on you. And really you don't need an underwear. I will still f**k you later."
Natahimik nalang ako at sinuot ang shirt niya.
"Let's eat dinner. Nandiyan na siguro ang in-order ko." aniya.
Sumunod lang ako sa kaniya. Nakita ko muli 'yong lalaking nadatnan ko rin dito noong unang beses na pumunta ako dito. Assistant pala siya ni Russel. Mukha lang itong seryoso. Iniwan din kami agad matapos mahatid ang mga pagkain.
"Tayo lang ang kakain?" natanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Tinulungan ko na rin siya. "Yeah, why?"
"Parang ang dami kasi." puna ko sa pagkain namin.
"Palagi ka lang bang umu-order? Hindi ka ba nagluluto?"
"You know I don't cook." paalala niya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin.
Umupo na kami doon at tahimik na kumain.
Ako ang naghugas ng pinagkainan namin pagkatapos. Kahit pinigilan pa niya ako.
Nakita ko siyang abala sa isang tawag. Kaya kinuha ko na rin na pagkakataon para makatawag din sa mga anak ko. "Melba," sinagot nito ang tawag.
"Ate,"
"Hindi pa ako makakabalik agad. Ikaw muna ang bahala sa kanila, ha. Tumawag ka agad sa akin kung may problema o kailangan."
"Opo, ate." sagot nito mula sa kabilang linya.
"Pakausap muna kay Prince. Gising pa ba siya?"
"Gising pa. Si Princess maagang nakatulog ulit."
Nagpapahinga pa ang anak ko kaya panay pa lang ang tulog niya.
"Prince, ang Mama mo." tawag ng bantay sa anak ko.
"Mama,"
"Prince, anak. Kamusta?"
"Ayos lang po, Mama. Nandito naman si ate Melba. Ikaw, po?"
Napangiti ako."Ayos lang si Mama, anak." sandali kaming nag-usap. "Sige, anak, ibaba ko na. Matulog ka na rin. Huwag kang magpuyat."
"Opo, Mama. I love you, Mama."
Ngumiti ako at nag-init ang puso. "I love you."
Binaba ko na ang tawag at ganoon nalang ang pagkabigla ko at halos mabitawan ang hawak kong cellphone nang bumungad sa akin si Russel na nandoon na pala sa likuran ko. "R-Russel..."
Narinig ba niya?
"Sino'ng kausap mo?" seryoso niyang taong at galit na naman ang mukha.
Nagwala ang puso ko sa aking dibdib.