"I'm not marrying Leonor." tanggi ni Russel. Iyon pala ang pangalan ng pakakasalan niya. Nakaalis na ang mga magulang niya at naghahanda na rin kami sa pagtulog nang hindi ko na natiis at kinompronta ko siya. Ginagawa na pala talaga niya akong kabit. Tinalikuran ko siya at handa nang lumabas sa kuwarto niya. Doon ako matutulog sa kuwarto ng mga anak ko. Dalawang kuwarto ang pinahanda at pinaayos ni Russel para sa mga anak niya pero natatakot pang mag-isa sa kuwarto niya si Princess kaya dalawang kama nalang ang nilagay doon at inisang kuwarto nalang muna sila ng kambal niya. Hinawakan ako ni Russel sa siko para pigilan. "Jewel," Hinarap ko siya. "Jewel, please. Kung may pakakasalan man ako ikaw 'yon-" "Dahil sa mga bata-" "Dahil mahal kita!" putol niya sa sinabi ko. Nanlaki ang