OLIVIA PAULINE Pagkabihis ko ay agad na rin akong nagtungo sa kusina upang tulungan siya sa kanyang ginagawa. Ako dapat ang magluluto ngunit heto at siya na ang tinutulungan ko. Wala akong kibo habang gumagawa sa kusina. Siya naman itong panay lang ang ngiti habang pasimpleng tumitingin sa akin. "Ngiti ngiti ka diyan," inirapan ko siya dahil hindi ko talaga maitago ang pagkadismaya sa ginawa niya. Hindi na siya umimik pa. Nang makapagluto na kami ay naghain na rin kami ng pang hapunan. Wala na rin kaming hinintay pang oras para dito dahil nag-aalburoto na ang aking tiyan sa gutom. Idagdag pa ang kapagurang aking sinapit sa buong maghapon. Magkatapat kami sa mesa at kanya kanya kaming kain. Tunog ng tumatamang kutsara sa tason, kutsara sa plato at paglapag ng baso sa mesa lamang ang

