OLIVIA PAULINE I can't remember the last time na naramdaman ko ang bagay na ito. The fear and nervousness na talagang nagpapakabog sa aking dibdib ay tila ba nagiging dahilan ng hindi pagiging normal ng aking paghinga. Pinagpapawisan ako ng malamig at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko na kung sino ang taong nagpupumilit na pumasok sa kwarto. Gusto kong sumigaw ngunit pinangungunahan ako ngayon ng matinding kaba. Mas lalo pang humigpit ang hawak ko sa flower vase na siyang una kong ipupukpok sa ulo ng kung sino mang nagtatangkang pumasok ngayon dito upang saktan o pagbantaan ang buhay ko. Takot at matinding kaba ang talaga namang nakapagpapanginig ng tuhod ko lalo pa nang biglang tumunog ang lock na hudyat na nabuksan na ng kung sino ang pintuan. "Dios ko,

