OLIVIA PAULINE NAGISING ako isang umaga na wala si Tyler sa aking tabi. Kinapa ko muna ang tabi ko at wala nga siya doon. Tumingin ako sa orasan at pasado alas otso na rin kaya naman bumangon ako at inayos ang higaan. Muli akong nag-ayos ng sarili ko. Habang nasa banyo ako, katatapos lang maghilamos at magtoothbrush ay tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin. I saw myself there na parang mayroong nagbabago. Tila ba lumalaki ang balakang ko at ang aking hinaharap. Is this an early sign of being pregnant? Am I pregnant? Agad kong pinusod ang buhok ko at nagmadaling chineck kung kailan ako huling nagkaroon ng dalaw. And I am almost a month delayed now. I am a bit worried because wala man lang akong ka-ide-ideya kung alin ang bawal sa hindi, sa lahat ng mga nagawa naming dalawa ni Tyle

