Hindi na lumingon pa si Jules para malaman kung sinunod na nga nina Leah at Lyn ang kanyang pakiusap na tumakas na sila. Sapat na ang mga narinig niyang kaluskos ng dalawa palayo sa kanya at ang pahina na pahinang hikbi ng mga ito sa pandinig niya. Tinuon na niya ang pansin niya sa killer. Kunot na kunot ang kanyang noo na masama ang tingin niya rito. Pasalamat niya at wala itong ginawang hakbang para hadlangan ang pagtakas ng dalawang pinsan. Mas hinigpitan pa niya ang paghawak niya sa palakol. Tapos ay isang malalim na buntong-hininga ang kanyang ginawa. Ini-ready na niya ang sarili. Wala na itong atrasan! Susugod siya! Uunahan niya ang killer! "Bahala na!" ang sabi niya sa kanyang sarili. "AAAAAAAH!" at malakas na sigaw niya kasabay ng kanyang pagsugod. Mabilis ang kanyang ginawang p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books