PART 21

1362 Words

"Innnnaaaaaaaaa!" Palahaw na nambulabog sa katahimikan ng buong lugar at kabahayan. Halos mapaus-paos si Aling Marina sa katatawag ng pangalan ng animo ay natutulog lamang na matanda. Ang nararamdamang tensyon niya mula sa ospital ay lalo pang nadagdagan nang makita niya ang nanlalamig ng katawan ni Nana Gwada. Patay na ang matanda! Tigmak ang luhang buong higpit na niyakap ito ni Aling Marina kasabay ang pagyuyugyog ng katawan nito. "Ina, bakit mo ngayon mo pa kami iniwan," anya kasabay ang paghikbi. Wala na siyang magawa kundi ang umiyak na lang nang umiyak. Sa isang saglit dalawang buhay ang nawala. Kanina bago siya umalis ng ospital ay binawian na rin ng buhay si Jeff. Ang masamang balitang dala-dala niya ay hindi niya akalaing madadagdagan pa sa kanyang pag-uwi at mas masakit pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD