PART 5

833 Words
Gusto pang matulog ni Leah. Antok na antok pa siya, halos kakaidlip palang niya kaya hangga't maaari ayaw pa sana niyang magising. Ngunit sadyang an'lamig ng kanyang pakiramdam. Ramdam ng kanyang balat ang simoy ng hangin sa paligid na kanyang kinaroroonan. Inisip niya, normal lang ang hangin dahil nakasakay sila jeep na umaandar. Umayos siya sa pagkakahiga. Iniyakap niya ang dalawang braso sa nakapang katabi. Isiniksik pa niya ang katawan para maibsan ang lamig na nararamdaman. Ngunit saglit pa'y may naalala siya. Hindi ba't nasa jeep sila?! Paano't ang ganda yata ng kanyang pagkakahiga?! Kumunot ang kanyang noo na nakapikit pa rin, tapos ay nakaramdam na siya ng kakaiba. Nag-start nang dumagundong ang kanyang puso! Ayaw niyang dumilat! Natatakot na siya! Dahil napagtanto niyang nasa ibang lugar siya at wala sa jeep! Diyos ko! Nasa'n kaya siya?! Pasimple niyang iginalaw ang mga daliri, nangangapa! At lalo pa siyang nagtaka nang may mahagilap na tuyong dahon ang kanyang mga daliri! 'Asan ba siya?! Lumunok muna siya ng tatlong beses tapos ay biglang dilat ng mga mata ang ginawa niya. "Aaaaaahhh!! Eiiiihhh!!" At walang tigil na sigaw niya sabay balikwas ng bangon. Parang mababaliw na siya sa nakita. Padausdus na nakaupo siyang lumayo sa katawan na kanina'y akap-akap pa niya! Paano'y wala palang ulo ang katawan ng lalaki at parang kinatay sa hitsura! Labas ang laman ng tiyan at naliligo ng sariling dugo! Ang nakakatakot pa'y mukhang kakapugot palang ang ulo nito dahil may konting sumisirit pa na dugo sa leeg na pinagputulan! "Eiiihhhh!" tili pa rin niya. Hindi niya alam ang gagawin sa nakikitang karumaldumal na bangkay. Nasusuka siya! Nandidiri! Natatakot! At kahit gustuhin man niyang tumayo at tumakbo papalayo ay hindi niya kaya! Nanginginig kasi ang buo niyang katawan! PAAAKKK! - may nahulog sa kanyang paanan. Kalahating ulo! "Aaaaaaaaaaahhh!" Tili ulit niya ng pagkalakas-lakas nang makita ang bagay na iyon. Humagulhol na siya ng iyak. Wala sa loob na tinadyakan niya ang kalahati ng ulo. At halos bumulwak ang utak na laman n'on sa kanyang ginawa. Pagkatapos ay humahagulhol siyang pinilit ang sariling makatayo, diretso ang tingin niya sa katawan na pugot! Pakiwari niya kasi ay baka bigla itong gagalaw at salakayin siya. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan. Makailang ulit siyang mapaupo bago niya nagawang tumayo. Lahat ng kaartehan niya sa katawan ay saglit niyang kinalimutan. Minsan pa siyang natumba nang pilitin niyang humakbang. "Aw!" napangiwi siya sa sakit na naramdaman. Sisinghot-singhot niyang tiningnan ang sugat sa tuhod. May nakausling matulis na bato sa kanyang binagsakan kaya nasugatan ang kanyang tuhod. "Leah!!!" Bigla ay tawag sa kanyang pangalan sa malayo. Biglang angat ang ulo siua. Boses 'yon ni Jeff! Thank God! "Leah!" dinig niya ulit. Boses naman 'yon ni Lyn. Andito ang kanyang mga pinsan! Nabuhayan siya ng loob! Natuwa siya ng labis-labis! "Dito! Andito ako!" garalgal ang boses na sigaw niya. Hindi niya alam kung umabot 'yon sa pandinig ng kanyang mga pinsan, umasa na lang siya. Wala siyang lakas sa matinding takot na nararamdaman, nanghihina pa rin lalo pa't kumikirot na ang kanyang sugat. Mayamaya'y, maraming kaluskos ang kanya nang narinig. Dinig na niya ang mga boses ng kanyang mga pinsan na nag-uusap-usap. "Andito ako!" aniya, mas lalong humina ang boses niya dahil napaiyak na naman siya. At anong tuwa niya nang makita na niya ang mga ito. "Eiiihhhh!" Sabay-sabay na tili nina Lyn, Ana at Belen. Napatalun-talon pa ang tatlong dalaga sa pandidiri. Si Jules, sumuka nang sumuka. Hindi nakayanan ng sikmura ang muntik pa nitong maapakan ang hating ulo. Diring-diri ang binata sa mga naghalong utak at dugo na tumalsik sa paa nito. Si Jeff ang agad sumaklolo sa kaniya. Walang anumang nilaktawan lang nito ang pugot na katawan. Agad yumakap siya sa pinsan, na nanginginig pa rin. Parang bata siyang sinubsob ang ulo sa dibdib ng pinsan. "Si Boknoy 'to, ah!" ani Jules nang maka-recovet. Ang tinutukoy ay 'yung binatang kasama ng kanilang driver. Tingin silang lahat kay Jules, 'tas taka nilang kinilala ang bangkay. "Oo nga!" sang-ayon ni Lyn. Nakilala nito ito sa damit na gutay-gutay na suot ng pugot na katawan. "Pero bakit naman siya ginanito? Grabe naman!" anito pa na 'di maiwasang mapatingin sa kaniya, tingin na nagtatanong kung anong nangyari. "H-hindi ko alam," nagawa niyang isabi after a long moment. "Nagulat na lang ako nang pagmulat ko ng mata ay nakita ko na siyang ganyan," paliwanag niya. "Demonyo ang gumawa nito! Walang puso! Baliw!" napamaywang na ani Jules. Napapadura pa rin ito sa nakakadiring bangkay. Inantay lang nilang kumalma siya bago nagpasyang lisanin nilang magpipinsan ang lugar. Nagtulungan silang tabunan ng mga tuyong dahon ang bangkay ni Buknoy. Hindi nila alam kung paano sila napadpad sa gitna ng gubat, pero sisiguraduhin naman nilang makakaalis sila rito. Hawak-kamay silang nag-umpisang maglakad. Si Jeff ang umalalay sa kaniya. Ngunit laking gulat nila nang napa-aray si Jules. Sapo ng isang kamay nito ang ulong nahulugan, at hawak naman nang isang kamay nito ang nasalong kalahating ulo ni Boknoy! "Aaaaaaaaaaaaaah!" malakas at halu-halong sigaw nilang magpipinsan!......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD