[Miyukie's P.O.V.] "Anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo Jonas?" Nakapangalumbaba ako sa lamesa habang pinagmamasdan ko si Jonas na kumakain. May kakaiba kasi sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang walang lipstick at walang walang head band na iba't-ibang design. Wala rin siyang suot na bra. Pormal ang suot niya at mukha siyang lalaki tulad na itsura niya sa tuwing pumapasok kami sa school. "Ano bang problema mo? Lalaki naman ako." Sabay tingin niya sa'kin ng masama. "Alam ko namang lalaki ka pero sana magtuloy-tuloy na 'yan. Wag ka ng maging bakla." "Wag mo akong pakialaman Bruha!" Sabi niya sa boses bakla. "Tse! Ang sungit." Sabay irap ko sa kaniya. "Bruha, hindi ako rito uuwi mamaya bukas na ako uuwi ng gabi." "Bakit makikipagkita ka naman sa boyfriend mo? Ikaw talaga ba