[Miyukie’s P.O.V.] “A-Anong gagawin niyo sa’kin?” Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang babae na may takip na itim na mask sa mukha. Tatlo silang magkakasama ang isa ay may hawak na dos por dos at nakaharap sa’kin. Hindi ko rin sila makilala dahil meron silang contact lens sa mata. Kanina kasi habang naghihintay ako ng taxi biglang may nagtakip ng ilong ko. Nagising na lang ako na hawak-hawak ng dalawang babae. Hindi kasi pumasok si John Axle dahil may dinaluhan ang pamilya nila na reunion. Mag-isa lang tuloy akong pumasok kaninang umaga. Ngumiti lang ang may hawak na dospordos at iminulesya na tipong ihahampas niya sa’kin. “W-Wag! Wag!” Pilit akong kumakawala ngunit sadyang dalawa sila kaya kayang-kaya nila ako. Ngunit sadyang walang puso ang babae na may hawak na dospo