[Miyukie P.O.V.] "Are you ready?" Inayos pa ni John Axle ang kwelyo ng uniform ko at pagkatapos ngumiti siya sa'kin. "Nakakahiya pumasok ilang araw na rin akong absent. Wala na akong matutunan nito." "Kahit naman pumapasok ka wala pa rin naman di'ba?" Inirapan ko siya. "Sinasabi mo bang low IQ ako?" "Ikaw ang nag sabi hindi ako." Tipid siyang ngumiti sa'kin. "Nakakainis!" Tumawa siya sa'kin. Nagtagumpay naman kasi siyang asarin ako. Sa relasyon namin madalas ako ang napipikon. Pero kapag ako naman nagbiro sa kanya hindi lang siya napipikon galit na galit pa siya. "Let's go! Mahuhuli na tayo sa klase." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay lumabas ng mansiyon. Feeling ko first time ko pa rin ngayon dahil ang kaba ng dibdib ko ay katulad noong unang araw na pumasok ako. Kaya naman