[John Axle P.O.V] "Sigurado ba kayong dalawa na ayaw ninyong sumama sa loob?" Tanong sa amin ni Kuya John Ace. Sabay kaming umiling ni Fritzie. "May gagawin pa kami kuya." Sagot ni Fritzie. "Okay, take care." Kumaway pa si Kuya habang paalis. Nasa likuran ako ng pulang Van at nakahiga samantalang si Fritzie nasa driver seat. Nainbitahan kasi kami sa graduation at since si kuya John Ace ang humahawak na ngayon ng SPIA siya ang obligadong dumalo at kaming dalawa ni Fritzie. Sumama lang kami dahil sa plano namin. "Matagal pa naman siguro matatapos ang graduation mag shopping muna kaya ako." Tiningnan ko ng masama si Fritzie. "Subukan mo para sabihin ko kay Mommy na natulog ka sa bahay ng boyfriend mo." "Black mail!" Inirapan pa ako ni Fritzie. "Bakit kasi ayaw mong sabihin kay Miy