Laglag ang balikat ni Marc Joseph na umalis sa Grand Prix Race Track. Napuntahan na niya ang lahat ng maaring puntahan nito. Huli na nga ang race track na alam na aam niyang paborito nitong tambayan. Hindi niya lubos akalaing basta na lamang itong naglaho. "Grace, sana walang masamang nangyari sa iyo. I will never forgive my self if that will happen. Kung nagseselos ka man sa mga bago kung ampon. Wala kang dapat ipagselos ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko." Napatingala pa nga siya bago siya umalis sa race track upang ipagpatuloy ang paghahanap sa dalaga. Lampas na sa oras ng opisina kaya't imbes na puntahan niya ang dalaga sa trabaho nito o sa kumpanyang scapegoat nito ay sa tahanan ng mga Cameron siya dumiretso. Labis-labis ang panalangin niya na sana ay walang masamang nangyari sa