Kagaya nang napagkasunduan ng mag-amang Bryan at Marc Joseph ay nagplano silang tanggapin ng huli ang offer ni Grace. Dahil mayroon din silang ihinandang plano. "Daddy, kausapin kaya natin ang Tito Allen? Let him know about the competition," wika ng binata. "Yes, son. We will go to their dwelling place and talk to him. Karapatan nilang malaman ito. Isa pa ay kasama natin sila sa plano. Me and my friends as well will help you to get out of this problem. Remember, we are all law enforcers that's why we can help you." Hinarap ng Ginoo ang anak na nasa manibela. "Pero, Dad, baka nandoon si Grace baka marinig niya at makahalata siya. Daddy, I can't bear to think that something gonna happen to her," tugon niya sa ama kahit nakatuon sa daan ang kaniyang paningin. Hindi niya nakita ang paglawa