Kinabukasan hirap na hirap pigilin ni Ginang Ashley ang kaniyang asawa dahil susugurin daw nito ang binatang Mckevin! "Honey, maari naman natin siyang hintayin dito sa bahay. We know him since that is why he will come for sure." Humarang siya sa daanan nito. "Don't try to stop me, Honey! Kailangan niyang panagutan ang anak natin. Kung gusto mong sumama follow me in the car!" halos bulyaw nito sa kaniya. Sa kagustuhan ng Ginang na hindi mapaaway ang kaniyang asawa lalo pa at kaibigan nila ang pamilyang susugurin nito ay sumama siya. Maliit na bagay lang iyon kumpara sa lalim nang pinagsamahan nilang magkakaibigan. Ilang bagyo na ba ang pinagdaanan nila. "Okay, Honey, let's go." Patinaod niya. Samantala... Masayang nagbabaliktanaw ang mag-asawang Mckevin sa likuran ng kanilang mansion.