"Ate! I told you! I told you!" animo'y isang teenager na kinikilig si Yana. Kulang na lamang ay magtatalon ito sa harapan ng lahat. Kaya naman ay agad ding sinita ni MJ. "Susme, Florida Bryana, puweding umasta ka naman sa edad mo. Aba'y malapit ka na yatang magkaroon ng manugang pero para ka pa ring Yana na hatid-sundo ni Terrence sa bahay at paaralan." Baling dito ni MJ. "Hayaan mo lang, bayaw. Alam mo namang mababaw ang kaligayahan ng asawa ko. At saka talaga namang magkakamanugang na kami," ani Terrence. Saka pasimpleng tumingala sa second floor ng malaki nilang bahay sa San Vicente. Ang bahay na binili niya noon mahigit triyentang taon na ang nakaraan. Kung saan nabuo at isinilang ang binata nilang anak at ngayon ay doon din nakatawid sa dako pa roon. Kasalukuyan silang nasa probi