Naisipan naman ng mag-asawang Shane at Marga na dalawin si MJ sa opisina nito upang personal na imbitahan sa kaarawan ng una at ang kambal nitong namayapa. Wedding anniversary din nila. Noong bago pa magpakasal ang dalawa ay lagi itong nasa kanila. Kahit noong mga teenagers pa lamang sila ay ganoon na routa ng dalawa. Ngunit simula noong namatay si Grace sa mismong araw ng kasal nila ay bihira na itong dumalaw sa kanila. "Babe, sana pumayag si bayaw. Halos pitong taon na ang nakakaraan since then pero halos ayaw pa rin niyang muling tumapak sa bahay," ani Shane sa kaniyang asawa. "Unawain na lamang natin siya, babe. Alam mo namang dito sila madalas magtambay noong nabubuhay pa si Grace. Kaya't siguro ayaw niyang nagagawi rito upang hindi niya masyadong maalala si hipag," tugon ni Marga.