ONE DOWN

1059 Words
"My gosh nakita niyo yung bagong video sa site ng school? "hindi ako makapaniwalang estudyante at prof may relasyon? "Parang kilala ko yung babae" Mga naririnig kong usap usapan sa loob ng campus habang naglalakad ako papunta sa aking classroom. Ngumiti naman ako dahil eto na ang umpisa ng mga plano ko, ang maghiganti sa mga taong nang-api sa kapatid ko. Sinalubong naman ako ng dalawang kaibigan ko pagkapasok ko sa aming silid, umupo naman ako kaagad sa kanilang tabi. "Gurl grabe yung revelation na yon ha! hindi ko akalain na may baho pa lang tinatago yung babae na yon! "Oo nga bakla kinakabahan pa kong iupload yon baka makilala ako,buti na lang ibang identity ang ginamit ko. "Sana pala noon mo pa ginawa yan" Totoo din naman kung noon ko pa sana ginawa ito e di sana buhay pa hanggang ngayon ang ate ko. Halos magbulungan na kaming tatlo habang nag-uusap para hindi marinig ng mga kaklase namin ang pinag-uusapan namin. "Umpisa pa lang yan, wala pa ko sa kalahati. Uubusin ko lahat ng mga umapi sa kapatid ko. Masyado ako naging mabait non pero this time hinding hindi na, malalaman nila kung sino talaga si saphire altamirano. Mariin kong saad sa dalawa, hindi ako titigil hanggat hindi ko naipaghihiganti ang ate ko. Kalalabas naming magkakaibigan sa aming classroom na mapansin naming marami ang estudyante sa hallway at nagbubulungan. Napataas naman ang kilay ko at ngumisi ng makita ko si avery at dalawa nitong kasama na makakasalubong namin. Alam kong alam n niya ang ginawa ko, base sa nakikita kong pagdilim ng mukha niya. Napahinto kami sa gitna mismo ng hallway at marami ang estudyanteng nakatingin sa amin. "Hi avery! what's that expression for? sarkastiko kong wika sa kanya. "You b***h! alam kong ikaw ang may kagagawan non! mahina niya naman niyang sabi sa'kin para hindi marinig ng mga estudyanteng nakapaligid sa'min. "Do you like my surprise? "How dare you do that to me! akala mo ba masisira mo ko basta basta!? "Really avery? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo mananatili ka pa rin dito sa school? how pathetic avery. Malumanay kong saad sa kanya na may halong pang-iinis. Tinignan naman niya ko ng masama na hindi naman ako nagpatinag sa kanya. Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Sorry ka na lang ako ang kinalaban mo" Noon ko pa sana to ginawa kaso masyado akong naging mabait" Unti unti naman akong lumayo sa kanya at nakita ko pa ang takot sa dalawa niyang kasama na alam kong narinig nila ang sinabi ko. "Bye avery! Wag ka mag-alala may eskwelahan ka pa namang mapapasukan. Sabay talikod ko kasama sila marky at jennica na nagflip pa ng buhok ang dalawa. Narinig ko pang humiyaw si avery na siyang ikinangiti ko naman. "one down! bulong ko sa aking sarili. "Ibang klase si avery nakipagrelasyon sa prof"! naiiling na wika ni jerome habang nasa caffeteria sila malapit sa kanilang eskwelahan. "Sino kaya ang nagvideo non? may galit yon malamang kay avery kaya niya ginawa yon" Si asher naman, habang umiinom ng frappe niya. "Grabe nga dude pinatawag na sila ng dean kanina lang, Tanggal yung dalawa sa loob pa ng campus gumawa ng kabalbalan..tsk..tsk!! Naiiling habang tumatawa naman si jerome. "Nasan nga pala si travis ash? "As usual nasa tambayan na naman niya sa likod" "Wala na bang pag-asang bumalik sa dati sina cliff at travis? seryosong saad ni jerome kay asher na sumandal sa kanyang upuan at nakahalukipkip. "Magkakaayos din yung dalawa sa tamang panahon, masyado lang sarado ang isipan ni cliff naniwala siya sa nakita niya. "Pero si ambria na din daw mismo ang nagsabi di ba? "May dahilan si ambria kung ba't niya piniling saktan si cliff. Ayaw niyang may mangyaring masama sa pamilya niya. "Kilala ko ang papa ni cliff hindi yon titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya". Hinihiling ni ash na sana nga magkaayos na ang dalawa niyang kaibigan. "Phie"! tawag ni travis kay saphire habang papunta naman si saphire sa gym para sa kanilang P.E. "Will you please stop calling me that name! singhal niya sa binata at inirapan naman niya ito. Ngumiti lang si travis sa kanya. "It suits you" "What do you want? masungit niyang tanong at naka cross arms niyang baling kay travis. "Can i invite you for a date"? Pinanlakihan lang niya ito ng mata, at bumuga sa hangin. "I have plans later" "Tomorrow? Ano bang kailangan nito sa'kin? at bakit niyayaya ako nitong magdate? Alam naman niyang nililigawan din ako ng kaibigan niya. "I'll think about it" "Okay i'll wait for your answer later" Bye Phie! at tuluyan na siyang tumalikod kay saphire. Napamaang naman si saphire sa tinuran ni travis. Padabog naman siyang umupo sa bench pagkadating niya na siyang ikinataka ng dalawa niyang kaibigan. "May regla ka bakla? bakit ganyan ang itsura mo!? si marky habang isinusuot ang rubber shoes niya. "Wala! naiinis lang ako! "E bakit nga gurl? anong problema? "Si travis! walang paligoy ligoy na sagot ni saphire. Nagkatinginan naman yung dalawa niyang kaibigan at ngumiti. "What about him? hinarap ni jennica si saphire na naka cross legs at ipinatong pa nito ang siko sa hita at inilagay ang palad nito sa kanyang baba. "Hindi ko siya maintindihan bigla bigla niya ko aayain makipagdate! "O e di maganda bakla! hindi ka na mahihirapan sa plano mo sa kanya! ano pang pinoproblema mo e di ba yon naman ang gusto mo ang mahulog sayo ng tuluyan yang si fafa travis! Saad ni marky pagkatapos nitong isuot ang sapatos at tumayo sa aking harapan. "Oo nga yon ang plano ko. Pero alam naman natin na magkaibigan si ash at travis di ba? hindi ganon ang ninanais kong plano. "Mukhang balak ka na din ligawan ni fafa travis bakla! "Alam kaya ni asher na liligawan ka din ni travis? takang tanong ni jen. Napaisip naman ako. Yung nangyari kahapon sa dalawa, parang may namumuong tensyon na hindi ko malaman. "Sabi ko naman kasi sayo bakla ipahiram mo muna sa'kin yang ganda mo para hindi ka nahihirapan eh" Tumingin naman ng matalim si jennica kay marky. "Ang pangit naman ng kalalabasan marky! itsura mo si saphire tapos ang laki ng katawan mo! natatawang biro nito sa kaibigan. "Tseeee!!! Ang sexy ko kaya nagpose pa ito na parang model. Naiiling na pinagmamasdan ni saphire ang dalawa niyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD