Break time na namin ngayon at kasalukuyang nandito kami sa canteen nila jennica at marky. Panay ang tingin ko sa relo kong pambisig dahil meron akong inaabangang eksena na mapapanuod ng mga estudyante dito. Sa di kalayuan ay nahagilap na ng aking mga mata ang hinihintay ko. Hawak nito sa isang kamay niya ang pictures na inilagay ko sa kanyang locker, kaya naman napangisi ako ng makita ang kanyang itsura na naggagalaiti sa galit. "So let's the show begin" mahinang sabi ko na narinig din ng dalawa kong kaibigan. "Bakla may binabalak ka ba? Bulong ni marky sa'kin at hinarap ko naman ito ng nakangisi. "In 5,4,3,2,1…ACTION! saktong paglapit naman ng babae kung saan nakaupo ang kanyang kasintahan. Akmang yayakapin pa sana siya ng biglang ihagis sa pagmumukha nung lalaki ang mga pictures na