"Daddy Lo! salubong ng aking anak na si Sofie sa aking ama pagkalabas namin ng airport. Kaagad naman niyakap ni daddy si Sofie at hinalikan ang matambok nitong pisngi. "How's my apo? "I'm good daddy Lo, I'm so excited to go home!" Masayang turan ni Sofie na ikinatawa namin. "Bakit si Daddy Lo lang ang may kiss at hug? How about mommy La? May pagtatampong turan ni mommy. "Here's my power hug mommy La! Ibinuka pa ni Sofie ang kan'yang mga braso para yakapin si mommy. "I miss you soo much my apo, ang ganda-ganda talaga nang apo ko manang-mana sa mommy La" "Ayan ka na naman honey nagbuhat ka na naman ng sariling bangko mo eh" "Bakit ba? Totoo naman eh!" Naiiling na lang ako sa aking mga magulang. Apat na taon din ang inilagi namin sa Amerika at makalipas ang dalawang taon ay umuwi