NAMILOG na naman sa pagkamangha ang mga mata ni Jeany nang makarating sila ni Nicolo sa pupuntahan nila noong araw na iyon. Kababalik lang nila kahapon sa resthouse mula sa Lucban, Quezon. At heto na naman, pinupuno na naman nito ang mga mata niya nang magagandang tanawin. Medyo mataas ang parteng kinatatayuan nila kaya tanaw na tanaw ang marami at iba't ibang klase ng swimming pool. Bukod sa kiddie pool, mayroon ding dalawang natural jacuzzi at isang European spa na ayon pa kay Nicolo ay nagsisilbi ring massage spring. At isa sa mga dahilan kung bakit dinadayo ang lugar na iyon. "Ito ang tinatawag na Hidden Paradise Hot Spring. Isa ito sa pinakasikat na resort sa buong Laguna." Inalahad ni Nicolo ang kamay sa harapan niya at inalalayan siya sa pagbaba ng sasakyan. "Malawak itong resort