KINABUKASAN ng gabi ay agad din isinagawa ang celebration para sa muling paggising ni Rafael. Ang lahat ay inbitado. Sila Fan, Karrim, Aaric, Maximus, Earl Sanford, Farazzi, Leon at Torichiro. Ang iba ay hindi nagawang makadalo dahil may mga importantebg kailangan na harapin. Syempre hindi mawawala ang ina niya na hindi niya inaasahan na dadalo. Habang nagsasaya ang lahat sa loob ng mansion ay naisipan ni Rafael na lumabas muna sa terrace para magpahangin. Tiningala niya ang kalangitan na punong puno ng mga bituin. "Rafael…" Nilingon niya ang ina. "Can I?" Matamis niya itong nginitian. " Sure." Doon lang ito humakbang palapit sa kanya. Tumabi ito, ngunit walang namutawi na kahit na anong salita sa bibig nito. "How are you?" putol niya sa katahimikan. "I'm fine." nilingon siya nito.