UMANGAT ang tingin ni Rafael sa bakal na rehas nang bumukas 'yun at pumasok si Garth na bitbit ang pagkain niya. "Kumain na ho kayo, Luna." inilapag nito ang tray ng pagkain niya sa kahoy na lamesa. "How's Vance?" tanong ko sa kanya. "The operation is done well. Masyado raw malalim ang sugat na halos muntikang umabot sa puso ni Alpha, that's why untill now he is still unconscious." Agad na kumirot ng puso ni Rafael sa ibinalita ni Garth. Dahil sa kanya kung bakit nasa ganitong kalagayan ngayon si Vance. Kung nagawa nganlang sana niyang kontrolin ang emosyon ay hindi lahat aabot sa ganito. Tinitigan niya ang mga kamay at kuko na nangingitim pa rin hanggang ngayon. Kinuyom niya ang kamao. Bakit ba kasi hindi niya nakayanang kontrolin ang emosyon niya? Ano ba kasi talaga ang nangyayari s