SA DALAWANG araw na nasa hospital si Rafael, masasabi niyang malaki na ang naging improvement ni Vance dahil tinanggal na ang tubo na nasa bibig nito. Sa dalawang araw na rin na yun ay nag re-response si Vance sa kanya sa tuwing kinakausap niya ito. Nararamdaman niya ang nalalapit na nitong paggising. Tatlong katok mula sa pinto bago 'yun bumukas. Iniluwa ni'yun si Aaric. "Bienas dias." "Buenos días también, Aaric." "Dinalhan kita ng damit mo pamalit." itinaas nito ang bitbit na paper bag at inilapag nito 'yun sa dulo ng kama. "How is he? Balita ko gumaganda na ang progress niya, hindi tulad nitong mga huling araw." Hinaplo ni Rafael amg buhok ng asawa. "Sana nga tuloy-tuloy na. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mananatili rito. Baka bukas o sa makalawa kukunin na nila ako at