"Vance..." kuyom ang mga kamaong nag-angat siya ng tingin sa kanyang ama. Kung hindi dahil dito ay hindi aabot sa ganito ang lahat. Tiim ang bagang na tumayo siya at galit na hinarap ang ama. "What, are you happy now?! Masaya ka na ba na nag-aagaw buhay na ang asawa't anak ko sa loob?!" "I'm sorry..." "Now you're sorry?" mapait siyang tumawa. "Kapag may nangyaring masama sa kanila, hinding hindi kita mapapatawad!" "Alpha." tawag pansin sa kanya ni Garth. Matalim na tingin ang ibinigay niya rito. "Kasalukuyan na hong hinahabol ng mga tauhan ng Iron Wolf kasama ni Fan, sila Cairo at Samuel ng Golden Wolves ang natitirang soldiers." pagbibigay alam nito. "I want then to kill those mother fucker." "Yes. Copy, Alpha." anito na agad ding umalis. Narinig niyang suminghap ang kanyang ama.