SAGLIT na napahinto sa pagpasok sa opisina si Rafael nang maabutan niya roon si Vance na nakatayo sa gilid ng lamesa niya habang binabasa ang mga papeles na nasa lamesa niya. Tumingin ito sa kanya nang maramdaman ang presensya niya. "Good morning." bati nito sa kanya. Tipid na ngiti lang ang sinagot niya rito bago dumiretso na naupo sa swivel chair niya. "Kumain ka na?" tanong niya rito. "I don't eat breakfast." mabilis nitong sagot. Nangunot noo niya dahil noong nagsasama sila sagana ito kumain ng umagahan. "Kailan pa?" Mula sa mga papeles ay nagtaas ito ng tingin sa kanya. "Since you left me." anito na tipid ngumiti. "Hindi ka pwede maistress kaya ako na ang bahala rito." Kinuha nito ang tatlong folder ng papeles at naupo ito sa mahabang sofa na nandoon. Wala na lang siyang inimi