Naglakad siya papunta sa table nito at sa wakas ay nag-angat din ang tingin nito sa kanya nang mapansin ang presensya niya. Nag-crossed arms ito at nakadekwatro habang tinititigan ang paglapit niya. Kahit napaka-intimadating ng dating ng binata at napakalakas talaga ng s*x appeal ay kinalaban pa rin niya ang matinding atraksyong nararamdam para rito. Matagal na niyang sinabi sa kanyang sarili na wala na siyang anumang nararamdaman para rito ngunit sadyang hindi lang talaga siguro niya mapigilan ang ma-attract ng paulit-ulit dito lalo pa't hindi maiaalis ang katotohanang napakagwapo talaga nito at napakatikas. Hindi siya nag-iwas ng tingin at hindi nagpatalo ng titig dito. Instead of, she held her head high with all the confidence in her aura. Hindi nito pwedeng malaman na kahit katiting a

