Chapter sixty six KAE'S POV'S Kasama ko ngayon si Kuya Pauwi na kami sa bahay. Pakiramdam ko ngayon para akong lumulutang, parang wala akong maisip na kahit ano, hindi parin ako makapaniwala sa nangyayare sa akin ngayon. Pilitin ko mang linlangin ang sarili ko. Wala parin. Pagkadating namin sa bahay, nakita ko agad si mama na nasa tapat ng pinto habang tinitignan kaming palapit sa gate, hindi ko mapigilan ang luha ko na namumuo sa aking mata Tama nga ang sinabi niya sa akin noon. Ako ang masasaktan sa huli.. Sa tagal na panahon na pinagsabihan niya ako na wag mahuhulog ang loob sa isang gangster, lahat ng iyon nawala nang makaramdam ako ng kaligayahan kay jairus. Pero anong nangyare? Iniwan din pala ako, iiwan lang pala niya ako. Lahata naman talaga ng magulang alam ang ikabubu