Chapter sixty two KAE'S POV'S Kinabukasan.... Maaga akong nagising, sakto namang naabutan ko si Jairus sa hallway pababa na ng second floor Tatawagin ko sana sya kaso napansin ko, parang may pupuntahan sya, hindi naman karaniwang pambahay lang yung suot niya, mukang may pupuntahan nga talaga sya. At tama nga ako, sinundan ko sya hanggang sa baba, nagmamadali syang umalis. Bakit hindi sya nagpapaalam saken? Saan naman kaya sya pupunta? Humanda ka saken pag balik mo! HmmmP! Nasa klase nanaman ako, wala pa rin si Erill, hindi pa kase magaling si Erick, wala parin syang malay hanggang ngayon. Buti na lang at kahit papaano ay nacocontrol ko ang trauma ko sa nangyare sa akin, hindi ko parin nakakausap si Erill, hindi pa ako nakakapag sorry, ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon a