Chapter fifty six KAE'S POV'S Yung mga kaibigan niya nakasunod lang sa kanya, habang sinasakay sya sa pulis car. "san ka pupunta?" tanong ni Julian "susundan ko si Jairus.." Hinila niya yung kamy ko "dito ka na sumakay.." Mabilis yung sasakyan na sinaskyan nila Jairus ngayon, pati narin yung mga kaibigan niya ang bibilis nila magpatakbo ngayon, ano to? Unahan sa presinto? Hindi namin sila naabutan. Grabe lang magpatakbo ng motor yung mga kaibigan niya. At sa wakas nakarating din kami. Sa dami ng tao ngayon dito sa police station hindi muna kami pinapasok ni Julian, pero mukang nasa loob na si Jairus, at nasa loob na rin yung mga kasama niya. Supportive bestfriends ba ang matatawag sa mga kasama niya? talagang hindi nila pinabayaan si Jairus hanggang dito sa police station sinunda