Chapter fifty nine THIRD PERSON'S POV'S Nagmadali silang lahat na pumuntsa sa 33 avenue, halos paliparin na nilang lahat ang kanilang sasakyan sa sobrang pamamadali. Nadatnan na lang nila ang lugar na iyon na maraming tao na halos hindi na alam ang gagawin. May sumisigaw May humihingi ng tulong At maraming tumatakbo palayo doon. Pero sila Jairus at ang mga kasama niya ay nagmamadaling pumunta sa pub na nasusunog "sir bawal po pumasok.." harang kay Jairus ng isang pulis "papapasukin mo ko o papatayin kita.. mamili ka.." "Jai tumigil ka.." suway ni Julian "masyadong malaki ang sunog.." "nasa loob si Kae.." "sir bawal po.." Limang tao na ang humaharang kay Jairus na pumasok sa loob pero hindi parin nila ito mapahinto, ganun din si Julian, hindi niya rin mapatigil ang kapatid niya.