France Christine Mondragon POV Hila hila ko pa rin si Tejada pababa ng building where the Guidance office is located. Hindi ko namalayan na hawak ko pa rin ang kanyang mga kamay kahit nasa baba na kami. Simula talaga ng nakilala ko itong lalaking ito ay nagka leche leche na ang buhay ko. Sobrang dami ng nangyari sa University life ko kahit ni hindi pa nga nakapag second semester ang unang taon ko sa college. “Are you enjoying holding hands while walking with me?” Bigla akong natauhan ng narinig ko ang boses ni Tejada sabay bitaw sa kamay niya na parang diring diri. “Of course not!” depensa ko sa aking sarili. He checked on his watch and said, “We’re 45 mins late na sa next class natin. You wanna grab some sandwiches with me? Nagutom ako sa drama sa itaas.” Sabay namang tunog ng akin