France Christine Mondragon’s POV Nasa dance floor na si Addie at si Nick habang ako naman ay nakaupo lang table namin. Sabi ko sa kanilang dalawa ay masyado pang maaga para magwala sa dancefloor. Alas diyes pa lang ng gabi. Pero early bird catches the worm daw. Hay naku sila talaga ang literal na party animals. So ayun…solo flight muna ako sa pagtagay dito. But then, I’m still enjoying myself. Kahit lumalabas na ako kasama ang mga kaibigan ko at paminsan minsan ay kasama ang blockmates namin noon, hindi pa rin nawawala ang pagka introvert ko. May mga oras pa rin…actually most of the time pa rin pala, that I crave being alone and staying quiet. Pinagmamasdan ko lang ang paligid ko. Nakakasilaw na laser lights, mga katawang nagsasayaw at tumatalon kasabay ng indak ng musika, mga grupong n