France Christine Mondragon’s POV Ngayon ay napaka aliwalas ng umaga ko, nagising ako ng alas siete ng umaga. Naisip ko na siguro mas magiging isang maganda ang araw ko na ito...dahil ito ang unang araw na papasok ako sa school na may…boyfriend! Pumunta ako sa banyo upang mag toothbrush, maligo, at simulan ang skin care routine na itinuro sa akin ni Addie. Para kasing na conscious ako bigla. I wanted to look the prettiest in Jaime’s eyes. I tapped my face gently after I applied the sunblock, ang huling cream na iniagay ko sa aking mukha. Then I smiled brightly. Pakiramdam ko ay napakalinis at sariwa ang aking mukha. Tiningnan ko ang oras…naku quarter to eight na pala!. Alas nuebe nagsisimula ang klase namin tuwing Lunes kaya kaya magagahol na ako sa oras nito. Thirty minutes drive lang