France Jaime Tejada POV It’s Final Exams Week for the first semester. I took all of them and made sure to pass sa kabila ng katotohanan na distracted ako noong nakaraang dalawang linggo ako sa kakaisip kay Christine. Pagkatapos na pagkatapos ko ng huling exam ko ay umalis na kaagad ako. Nilingon ko si Christine na nakayuko habang nag-e-exam pa bago ako tuluyang umabas ng classroom. I have a flight to catch. Oras na para sa taunang pagbisita ko sa Hari ng Espanya. Ang plano kong mapatalsik sa paaralang ito ay biglang nagbago ng pag bantaan nila akong ibalik sa Espanya kung sakaling mangyari iyon. Alam kung masasaktan si Mama ng lubusan kung hahayaan kong kunin ako ni Papa. Simula ng apat na taong gulang pa lamang ako ay kaming dalawa lang ni Mama ang magkasama. Ipinatapon kaming dalawa