Lumapit sa akin si Wendy na para bang nag-aalala.
“Bakit? Ano nangyari?”
“He’s scaring me!” totoong sabi ko rito.
“Si Anton ba?” tumango ako rito.
“Ang creepy n’ya. Is he a crazy? Ilang beses ko na sinasabi sa kan’ya na hindi kami nag-uusap even the phone!”
“Iwasan mo na lang siguro---”
“And I want to know that woman… who’s using my identity!” naiinis na sabi ko.
“Hey, calm down. Nandito na si Sir.”
Tumingin ako sa harapan dahil doon. Tahimik na lang ako sa likod habang nagsusulat, walang pumapasok sa isipan ko kahit anong gawin ko.
“Hoy, Hershey! Tutulong ka ba sa amin mag-ayos ng gym?” napatingin ako sa President ng council. “Tumulong ka ha! Muse ka pa naman ng University. Lahat daw ng student council kailangan tumulong. Mag-paalam ka na lang sa mama mo na gagabihin tayo.”
Tumango ako rito.
Agad kong nilabas cellphone ko para makapag-paalam. Hanggang 12 lang klase namin.
Kaya natapos ang klase ay nagsi-uwian mga kaibigan ko habang ako ay naglalakad papunta sa gym. Marami na nakakalat doon, nandoon na rin ang iba na mag-aayos.
“May free foods dito!”
Lumapit ako sa president namin.
“Kumain ka muna bago tayo magsimula. Ilapag mo muna doon mga gamit mo.” agad akong tumango rito.
Tahimik na kami nag-aayos. Kahit na ramdam ko ang pawis ko ay patuloy pa rin ako. Hindi pwede buksan ang malaking electricfan dahil baka liparin mga gamit namin. Ang aircon naman ay nanatili nakasarado dahil sa open lahat ng pinto sa gym. Kaya nagtiis na lang kami sa paypay.
Next week ay intrams week namin. Kaya naman kailangan mag-asikaso sa gym.
“Hoy, muse ka ba sa team ng boyfriend mo?” napatingin ako sa nagsalita. “Muse ka ba?”
“I don’t have a boyfriend.” tinaasan ako nito ng kilay. “He’s not my boyfriend.” totoong sabi ko sa kanila.
“Wag mo na nga itanggi! Si Anton na mismo umamin sa mga kaibigan n’ya pero ayaw mo lang daw ikalat dahil sa nahihiya ka---”
“He’s not my boyfriend. I don’t have plan to have one---”
“Okay lang ‘yan! Gwapo si Anton saka ex ni Crystal ‘yon---”
“I SAID HE’S NOT MY BOYFRIEND!” inis na sabi ko rito kaya napahinto.
“Edi hindi! Defensive ka masyado,” huminga ako nang malalim.
Kaysa isipin pa ang bagay na ‘yon ay ginawa kong busy ang sarili ko.
Hanggang sa maggabi na. Walang sumusundo sa akin kaya naman kinuha ko ang cellphone ko. Nag-text si mama na hindi ako masusundo kaya mag-taxi na lang daw ako.
Kinuha ko ang gamit ko. Lahat kami ay pauwi na, tahimik lang kami naglalakad palabas ng gate. Sumakay agad ako ng taxi at bumaba na sa di kalayuan sa gate namin. Huminto ako sa isang store at tinignan kung bukas ‘yon.
Pero sarado na.
Tahimik na lang ako naglakad. Pero napahinto ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Tumingin ako sa likod pero wala naman sumusunod. Dahil sa nararamdaman ko ay bumalik ako saka sumilip doon.
Wala na gaanong tao. Wala rin dumadaan na sasakyan dahil sa gabi na.
Nagulat ako nang makita ko si Anton.
“Anong ginagawa mo rito?” napaantras ako.
Agad sa akin ‘to lumapit at hinawakan ang braso ko.
Puno ng kaba ang nararamdaman ko.
“Mag-usap tayo---”
“Bitawan mo ako! Sinabi ko sa ‘yo na layuan mo ako! Lumayo ka!” sigaw ko sa kan’ya.
“Mag-uusap tayo! Boyfriend mo ako kaya dapat makinig ka---” tinulak ko s’ya at tatakbo sana ako palayo pero hinila n’ya ang bag ko at napaantras ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong patalim na hawak n’ya.
“Makinig ka sa akin!” nanginginig ako sa takot habang nakatingin sa kan’ya. “Hindi ka nakikinig sa akin! Sinasabi mo na hindi kita girlfriend?! Magkausap lang tayo kagabi!”
Napalunok ako habang nakatingin sa patalim. Tumutulo ang luha ko sa takot.
“L-Let me go,” nanginginig ang boses ko. “P-Please…”
“Mag-uusap tayo sa bahay namin, okay? Makinig ka sa akin at hindi kita sasaktan.”
Tumutulo ang luha kong tumango rito. Hindi ko magawang sumigaw sa takot. Tahimik kaming naglalakad habang tumutulo ang luha ko. May nakakasalubong kami, pero hindi ko magawang huminga nang tulong.
“P-Pakawalan mo na ako. H-Hindi ako magsusumbong sa pulis. nanginginig ang boses ko.
“Ayaw mo makinig sa akin kaya tinatakot kita.”
Pinunasan ko ang luha ko. Tumingin ako sa kan’ya at nakiramdam ako, tumunog ang kanyang cellphone at doon, mabilis ko s’yang tinulak at saka tumakbo nang mabilis. Pumasok ako sa eskinita at tumakbo nang mabilis.
“Mama! Papa!” tumutulo ang luha ko.
Sa sobrang tanga ko ay nadapa ako. Agad nitong hinila ang buhok ko patayo at saka tinulak sa pader.
“Tigas ng ulo mo ha!”
Hinawakan n’ya ang leeg ko at napahawak ako sa kamay n’ya.
“Pakawalan mo na ako!” tumutulo ang luha ko. “Tulong---hmm!”
Agad n’ya tinakpan ang bibig ko at ang hawak n’yang patalim ay nasa leeg ko. Nararamdaman ko ang pagbaon no’n.
“Manahimik ka! Naiintindihan mo ba?” tumango ako rito.
Naglakad muli kami. Mahigpit ang hawak n’ya sa braso ko. Huminga ako nang malalim dahil sa hindi s’ya pumapara ng taxi. Naghahanap ako ng pwedeng tutulong sa akin pero wala akong makita. Hindi rin tumatawag sila mama sa akin.
Malayo-layo na ‘to sa amin. At nadaanan namin ay puro puno na ang gilid.
Agad kong inagaw ang patalim sa kan’ya at mukhang naalerto s’ya sa ginawa ko. Bumagsak kaming dalawa sa gilid ng puno at patuloy na nakikipag-agawan.
“Tulong! Tulungan n’yo ako!” tuloy-tuloy bumuhos ang luha ko.
Mabilis n'ya ako pinatungan at hinalikan sa labi. Pilit ko s'yang tinutulak. Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa maselan na bahagi ng katawan ko. Wala akong ginawa kung hindi pumalag.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinipa ko s’ya at hindi ko namalayan na nasaksak ko na pala ang kutsilyo sa bandang leeg n’ya.
Agad ko s’yang tinulak at nanginginig ang katawan ko sa nakita ko.
“H-Hindi. Hindi…”
“Self defense ‘to. Sinubukan n’ya akong patayin…”
Napahagulgol ako. Hindi ako umalis sa pwesto ko. Takot na takot ako. Halos kalahating oras bago ako mag-isip.
Ang kamay ko na puno ng dugo, ang damit ko. Agad kong hinubad ang suot ko at saka tinago ‘yon sa bag. Kinuha ko ang mineral water sa bag ko saka hinugasan ang sarili ko. Ang kutsilyo naman ay kinuha ko gamit ang damit ko. Hinugasan ko ‘to at saka tinapon kung saan.
Hindi pwede. Hindi nila pwede malaman ‘to.
“Self defense ‘to…” nanginginig na sabi ko.
Umalis ako roon, mabilis.
Ang utak ko, gulo-gulo. Hindi ko alam saan ako pupunta. Pero ang ending ay dumiretso ako sa police station. Tahimik akong nakaupo roon at may lumapit sa akin.
“Miss, ano nangyari?” napatingin ako sa babae na mukhang nag-aalala. “May sasabihin ka ba?”
Sinubukan ko magsalita pero tuloy-tuloy lang bumuhos ang luha ko.
Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Natatakot ako na baka makulong ako. Natatakot ako na baka… masaktan si mama sa akin.
“Miss?”
“Ano nangyayari d’yan?”
“Chief!” napatayo ang isang babae dahil sa paglapit ng lalaki.
Matangkad ‘to at matikas ang katawan. Mukha s’yang bata at seryoso na nakatingin sa akin.
Nagulat ako nang mag-ring ang cellphone ko. Mabilis kong binuksan ‘to at nanginginig kong sinagot.
“M-Ma…” nanginginig ang boses ko.
“Bakit wala ka pa sa bahay? At bakit ganyan boses mo?!” huminga ako nang malalim.
“P-Pauwi na po ako…” napahikbi ako.
“Nasaan ka? Susunduin kita!”
Lumapit sa akin ang lalaki at tinignan ako. “Ano nangyari?”
Makukulong ba ako kapag sinabi ko na nakapatay ako? It was self defense! Natakot ako. Gagawan n’ya ako nang masama. Pero paano ko sasabihin ‘yon?
Tumingin ako sa lalaki. “Hindi ka namin pwede paalisin dito dahil sa nagpunta ka rito at mukhang takot na takot ka…”
“M-May nambastos lang po sa akin,” pagsisinungaling ko.
“Kilala mo ba?” agad akong umiling dito.
Nanginginig ako habang nakatingin sa kamay ko. “Tanda mo ba ang mukha?” agad akong umiling dito. “May may dugo ka?” napatingin ako sa suot kong palda.
Dahil sa kamamadali ko ay hindi ko napansin. Tumingin ako sa lalaki sa harapan ko at agad kong tinago ang dugo.
“Sabihin mo sa akin ang totoo…”
“Chief, ako na po siguro kakausap---”
“No.”
“Nasugatan ko po ata s’ya…” pagsisinungaling ko.
Binaba ko ang cellphone ko at tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Gusto ko manghingi nang tulong, gusto ko s’ya kausapin mansinsinan. Pero baka… ikulong n’ya ako.
Tuloy-tuloy bumuhos ang luha ko.
My mother came with my father. Agad nila akong dinaluhan at saka niyakap. Natulala ako, hindi ko alam paano.
Nakauwi ako ng ligtas noong gabing ‘yon. Pumasok ako sa kwarto ko at pinili na hindi kumain. Kasama namin ang mga pulis na umuwi para maihatid kami maayos. Nilabas ko ang damit ko at saka sinimulan kong labhan. Nanginginig ako habang tumutulo ang luha.
At gabing ‘yon.
I had a bad dream about that guy. He keeps on chasing me in the dark. He was mad at me and saying he wants to kill me. Takot na takot ako at nagising na pawis na pawis.
Huminga ako nang malalim at napatingin sa orasan sa gilid ko.
It was 3Am in the morning.
Pinili kong lumabas ng kwarto at bumaba. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
Napapikit ako dahil hindi ko alam hanggang saan ako dadalhin ng sikretong ‘to.