Episode 22 - Met her Mom

1019 Words

"Nasaan ako?" tanong ni Dille, nang magising siya. Napatingin siya sa kaniyang tabi at nakita niya si Justine na nakayakap sa kaniyang baywang at ang himbing ng tulog nito. Napatitig siya sa nobyo at biglang pumatak ang mga luha niya. "Mahal na mahal kita Justine, pero paano kung magkapatid tayo?" pipi niyang sabi at akmang hahaplosin sana ang mukha ng lalaki ngunit nagising ito. Dali-dali niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. "Gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito at umupo sa tabi niya at sabay yakap. "Okay na ako!" mahinang tugon ni Dille. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?" Nanatili pa ring nakayakap sa kaniya. "Justine," sambit niya "Hmmm?" simpleng tugon ng nobyo. "M-magkapatid ba tayo?" He smirked. "Hindi. Anak ako sa unang asawa ni Daddy."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD