CHAPTER 58 “TUMAHIMIK ka, Hades! Wala kang karapatan pagsalitaan mo ang Ingkong ko. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kaya nangyari ito. Ikaw ang sumumpa sa kaniya!” galit na tugon na wika ni Heron dito. Marahang tumawa si Hades dahil sa pagtatanggol nito sa namayapang God Ares. “Alam mo, ginawa ko ang lahat ng ‘yon para makuha ko ang bagay na nasa kaniya. Bakit hindi mo na lang ako supportahan? Huling pagkakataon mo na ‘to, Heron. Naisip ko kasi mas susundin ka ng mga tao kapag ikaw ang ginawa kong Panginoon ng Planet Earth. Ano sa tingin mo?” “Hindi na talaga titigil ang kasamaan mo, Hades! Hayop ka! Dapat mamamatay ka na para wala nang salot dito sa universe.” “Matagal na akong patay, Heron. Ako nga ang hari ng kamatayan kaya hindi mo ako basta-bastang matatalo. Kahit ilang ulit mong