CHAPTER 22 ILANG SANDALI pa ay lumapit si Miya sa kanila na may dalang pagkain. “Mag-meryenda muna kayo,” anitong nakangiti kay Heron kaya di mapigilan ni Heron na mapangiti rin dito. “Salamat. Kamusta ang pag-e-ensayo niyo ni Jiyeon?” tanong ni Heron dito. “Maayos naman. Mabilis naman siya makaintindi dahil nanunuod daw siya mga laban sa telebisyon? Alam mo ba kung saan mahahanap ang telebisyon?” tanong niya dito kaya marahang tumawa sina Heron at Nikolas dahil sa ignorante si Miya sa bagay na ‘yon. “Para siyang bolang crystal ng isang propetang manghuhula na nakikita mo ang mga ginagawa ng isang nilalang sa loob na ‘yon. Makikita mong parang may palabas sa loob.” “Ahh. Ang daming mga pakulo ang mga tao ‘no? Sarap sigurong manirahan dito?” ngiting wika ni Miya sa kanila. “Sinabi mo