Chapter 4

2868 Words
Chapter 4 "Anak naman nakakahiya naman kay Ser Luke. Bakit mo naman sinabi kay Ma'am abby na gusto mong mag aral sa skwelahan ni Ser? Nakakahiya tuloy" Napangisi lang si Maria Angela sa sermon ng kanyang tatay kasalukuyan sila ngayon kumakain sa paborito niyang fast food chain sa pilipinas, Walang iba kundi ang jolibee! Kakatapos lang niya mag enrol sa skwelahan ni Luke. Masayang masaya siya dahil maari na raw siyang mag umpisa sa darating na lunes. Kinuha niya ang kursong business management dahil gusto niyang palaging makita si Ser pogi. Namimis niya kasi ito sa mansyon pag nasa skwelahan ito. Sabay sabay niyang isinubo ang limang pirasong fries. Gutom na gutom na kasi sila ng tatay niya. "Tay the damage has been done! Charot! Huwag ka na mahiya tay. Sila naman nag tanong kung saan ko gustong mag aral. Honest lang po ang maganda niyong anak" Napa-iling nalang ang kanyang tatay "Pero anak huwag ka sana sosobra. Alam ko naman na alam mo ang sitwasyon natin. K-Katulong ka lang anak ni Ser Luke. Huwag umasa anak ha?" Nag aalala ang kanyang tatay dahil napapansin nito ang matindi niyang pag hanga kay Ser Luke. "Si tatay naman ang drama! Malay mo pareho kami ng kapalaran ni tita abby? Diba katulong din siya ni Mr.Hoffman bago sila nagkagustuhan?" "Anak ang bibig mo. Huwag mo yan babangitin. Oo pero mag kaiba si Ser Jerome at si Ser Luke. Huwag ka masyadong makulit anak dahil sayang ang trabaho natin" Sunod sunod niyang kinagatan ang kanyang yum burger. "Tatay napakanega mo po! Buti pa si nanay tuwang tuwa! Sabi pa ni nanay gapangin ko raw si Ser pogi para mag asawa nako ng mayaman!" Pinagpatuloy rin ng kanyang ama ang pag kain nito ng chicken joy at rice. "Huwag kang nakikinig sa mama mo anak. Panay kalokohan lang yung mama mo anak. Doon ka nga ata nag mana eh?" Sabay silang nagtawanan ng kanyang tatay ng maalala nila ang kakulitan ng mama niya "Siguro nga tay!" "Pero anak masasaktan ka lang napakalayo ng mundo niyo ni Ser Luke. At higit sa lahat napakarami ng mga katulong ang nag kagusto sa mga magkakapatid na iyan. Kahit isa wala pang pumatol sa mga kagaya natin. Mga modelo at artista ang tipong babae ng magkakapatid na iyan anak" "Tay naman napaka-nega" "Ayoko lang masaktan ka anak. Bakit di ka nalang mag nobyo ng iba? Yung hindi bilyonaryo anak" "Tay naman hindi ko naman ho balak maging nobyo si Ser pogi no! Inspirasyon ko lang ho siya. Alam ko naman ho yung realidad sa pantasya" Ngumiti lang ng tipid ang kanyang tatay. Malungkot ang mata nito "Pasensya kana anak ha?" "Bakit tay?" kunot nuong tanong niya dahil bigla itong nalungkot "Kasi kung mayaman lang sana tayo maari kang bumagay kay Ser Luke. Aba ikaw ata ang pinakamagandang anak sa buong mundo! Kaso mahirap lang tayo nak eh" Napalunok siya sa sinabi ng kanyang tatay. Ayaw man niyang mag drama sa loob ng jolibee sa mga oras na iyon ngunit ewan ba niya kung bakit damang dama niya ang mga sinabi ng kanyang tatay "Si tatay naman pina-iiyak pa ako" Napapahikbi tuloy siya. Napaka-iyakin niya pa naman. "Nako anak huwag kang iiyak baka isipin ng mga tao rito pinagagalitan kita eh ang tanda mo na anak" Napangiti nalang siya at pinunasan ang luha sa kanyang mata "Dibale tay wala pa naman ho ako bakla mag asawa eh. Crush ko lang ho si Ser pogi" Napabuntong hininga ang kanyang tatay. Mukhang ngayon palang nag aalala na ito sa anak nitong si Maria na baka masaktan lamang sa walang patutunguhan nito pag tingin sa anak ng amo nila Kinagabihan nang araw ng linggo hindi makatulog si Maria Angela. Dahil mag uumpisa na siyang mag aral sa skwelahan ni Luke Anderson Hoffman. Balita niya sikat na sikat ito sa skwelahan "Ano ba Maria matulog kana, Hindi rin ako makatulog sayo eh" Sita sakanya ni Berna dahil naririnig nito ang kaluskos niya sa pag gulong gulong niya ng kanyang kama "Opo ate Berna" "Excited much ka naman eh no? Di ka naman papansinin ni Ser Luke" Napanguso siya "Oo na ate Berna matutulog nako" Narinig niyang tumawa pa ito Bumuntong hininga nalang siya. Habang tumatagal kasi mas nagkakaroon siya ng gusto kay Luke. Kahit napakasuplado nito. Ngunit alam niyang wala na iyong patutunguhan dahil katulong lang talaga ang tingin nito sakanya Hindi niya tuloy maiwasan maalala ang nangyari sakanila ni Luke kaninang hapon ng linisin niya ang kwarto nito. FLaSHBACK "Oy" Napalingon si Maria Angela ng marinig niya ang boses ni Luke sa kanyang likuran. Kasalukuyan kasi siyang nag lilinis ng living room sa loob ng kwarto nito. "Bakit Ser pogi?" Tanong niya Nakakunot ang nuo nito habang nakatingin ito sakanya. "We need to talk" Gustohin man niya tumili hindi naman pwede dahil baka isipin nito nababaliw na siya Ngumiti nalang siya at lumapit dito Umatras naman ito at halatang umiiwas mapalapit sakanya. Hindi naman siya manhid kaya naman tumigil siya sa pag lapit dito at binalewala ang reaksyon nito "A-Anong pag uusapan natin Ser pogi?" Pilit niyang pinasigla ang kanyang boses He cleared his throat "I heard that you're going to start studying tomorrow?" Napakasungit ng pag kakasabi nito kaya naman napalunok nalang siya "Y-Yes Ser. May pasok nako bukas ng alasiyete ng umaga hangang alas kwarto ng hapon tapos alas kwatro ng hapon hangang alas diyes ng gabi ang duty ko dito sa bahay niyo" Mahabang explanation niya kay Luke habang nakatingin lang ito sakanya Nakasandal pa ito sa nakasarang pintuan ng bedroom nito habang nakahalukipkip ang mga kamay nito sa bandang dibdib nito "Hindi ko tinatanong ang schedule mo" Napangiwi siya "I just want to tell you to stay away from me. Huwag kang lalapit sakin sa school" Parang sinaksak nito ng labing apat na beses ang puso niya at plus one saksak pa sa kanyang puso with patalim na may kalawang. Pakiramdam niya nanliit siya sa sinabi nito. Bakit naman kasi lantaran ito kung mangbasted? Pilit niyang pinasigla muli ang kanyang boses "S-Sige Ser pogi! G-Grabe ka naman Ser di naman ako lalapit sayo. Alam ko naman yung level ko sa level mo. N-Napopogian lang ho ako sayo pero wala naman akong gusto sayo" Napalunok naman ito sa kanyang sinabi at napakunot ng husto ang nuo nito "What do you mean?" Kahit nang hihina ang kanyang tuhod sinikap niya parin ngumiti ng husto "Ang ibig ko po sabihin huwag po kayo mag alala Ser. Di naman ho ako desperada para mapalapit sainyo. Inspirasyon ko lang po kayo kaya gusto ko sa skwelahan mo mag aral. H-Huwag mo yun bigyan ng meaning. Charot charot ko lang ho iyon" "Thats good." Masungit nitong sagot sakanya na muling kumurot sa kanyang munting puso "H-Huwag ka mag alala Ser pogi. Di naman ako seryoso sa feelings ko sayo no!" Charot! eto nga paiyak nako bwisit ka! Lalo naman kumunot ang nuo nito "Mabuti na yung malinaw" Ngumiti lang siya "Malinaw naman sakin na hindi kita magiging boyfriend kahit kailan" Muntik pa siyang mapapiyok sa kanyang sinabi Napakasakit sa kanyang munting puso ang katotohanang iyon "Y-Yeah. Good" Pagsang ayon nito sa kanyang sinabi bago ito pumasok sa kwarto nito. Napangiwi siya dahil pabagsak nitong isinara ang pinto ng kwarto nito. "Hays.." Napabuntong hininga nalang siya at nag patuloy na siyang mag linis ng kwarto nito. End of flashback Kinabukasan maaga palang hinatid na siya ni Mang Jose sa skwelahan niya. Gamit ang kotseng pinahiram ni Mrs.Hoffman upang maging service niya. Napakabait talaga nito. Sobrang excited parin siya dahil pangarap niya talagang mag aral ng college! Plano na talaga nila ng kanyang tatay na mamasukan siya bilang katulong plus may benefits pa siyang makapag aral ng college. Higit sa lahat may sweldo pa siya! Bonga! "Anak mag iingat ka diyan ha? Huwag kang gagawa ng kalokohan--" "Tay naman. Behave po ako! Sige tay pasok na po ako. Ingat ka po sa pag uwi. Love you tay!" Niyakap muna niya ang kanyang tatay bago siya bumaba ng kotse Maraming studyante sa paligid. Halatang mayayaman ang mga ito. Nahiya tuloy siya sa suot niyang simpleng tshirt at pantalon na tinernohan niya ng kulay itim na rubber shoes luma na iyon dahil ilang taon na niya iyon sinusuot hindi naman kasi siya materyalistic na tao. Sa sweldo niya bibili na lang siya ng bagong rubber shoes upang hindi naman nakakahiya sa mga bagong kaklase niya May mga studyanteng napapatingin sakanya ngunit dinededma lang siya ng mga ito Napakalaki ng skwelahan na iyon at halos maligaw siya sa paghahanap ng business management building. "Grabe ang layo pala nito dapat pala sa kabilang gate nalang ako hinatid ni tatay" Pag kausap niya sa kanyang sarili. Hinihingal pa siya ng makarating siya sa classroom na hinahanap niya Napangiti siya dahil airconditioned ang loob ng classroom. Sosyal! "G-Good morning po" Bati niya sa mga studyante at professor na nasa loob na ng room na iyon "Good morning. Your the new student?" Tanong naman ng professor sakanya. "Yes Ser!" Nag bulungan naman ang mga studyante pag kakita ng mga ito sakanya. Paano ba naman halatang mahirap lamang siya dahil simple lang ang kanyang damit at binili lang ng kanyang tatay sa divisoria ang kanyang hand bag. "Quite!" Sigaw ng professor sa mga studyante dahil ang iba sa mga ito ay nagtatawanan pa "Come in Miss.Maria" Binasa nito ang pangalan niya sa isang folder na hawak nito Kahit pinangunahan na siya ng hiya pilit niya parin pinasigla ang kanyang sarili. "Introduce yourself" Utos sakanyang ng professor Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti ng isang matamis na ngiti "Hello everybody! I'm Maria Angela Conception. Huwag niyo akong aawayin dahil bukod sa kapangalan ko si mama mary kapangalan ko rin ang mga anghel sa langit kaya kung ayaw niyong mapunta agad sa langit maging mabait kayo sakin" Nagtawanan naman ang mga kaklase niya mukhang nagustuhan ng mga ito ang pagiging makulit niya "Okay miss Maria you can seat over there." Itinuro ng kanyang guro ang bandang dulong bakanteng upuan "Thank you Ser!" Napapatingin sakanya ang mga studyante at halatang nagustuhan naman siya ng iba dahil napaka-friendly ng kanyang pag kakangiti "Hello?" Nakangiting bati niya sa lalakeng katabi niya Nakangiti na kasi ito sakanya bago pa siya makaupo sa tabi nito "Hello. I'm France." Pakikipag kilala nito sakanya halatang mayaman rin ito katulad ng iba "Nice to meet you" Friendly niyang sagot Nag umpisa na mag turo ang kanilang guro kaya naman di na sila nakapag usap ni France. Humabol nalang siya sa topic na pinag uusapan ng mga ito. Medyo naiintindihan naman niya dahil magaling mag turo ang guro nila Nang mag ring ang bell bandang alas diyes ng umaga umalis na agad ang kanilang guro. 3hours itong nagturo sakanila kaya marahil napagod na ito Nagsilabasan na rin ang iba niyang mga kaklase "Saan ang next subject mo?" Tanong sakanya ni France bago siya lumabas ng classroom. "Wait tignan ko pala" Nakangiti niyang sagot dito bago niya kinuha ang schedule form niya sa kanyang notebook Nakatingin lang ito sakanya at para bang natutuwa ito sa bawat kilos niya "Nako matagal pa pala? 11:pm pa ang next subject ko . Isang oras ang vacant ko" "May i see?" Inabot naman niya dito ang kanyang notebook. Gwapo rin ito ngunit walang wala ito kumpara sa kagwapuhan ng mga hoffman Lalo na kay Luke. "Same tayo ng schedule. Gusto mo mag library muna tayo? You can copy my notes para makahabol ka sa mga naumpisahan na naming topic" Lalong napalapad ang kanyang ngiti "Sige! Salamat ha!" Nakangiti ito habang nakatingin sakanya. Sabay silang naglakad papunta sa library Habang nag lalakad sila nagtataka siya dahil sa bandang dulo nagkakagulo ang mga kababaehan Napalunok siya ng sunod sunod dahil makakasalubong pala nila si Luke Anderson Hoffman! May kasama itong isang kaibigan nito at maraming mga babae ang nagkakagulo dito ngunit di naman nilalapitan ito dahil siguro pinag bawal na iyon ng skwelahan. Nagkatinginan silang dalawa ni Luke. As usual nag uumapaw nanaman ang kagwapuhan nito! Lalo na ngayon tila bagong ligo palang ito dahil parang napaka fresh nito! nag iwas agad siya ng tingin kay Luke. Hinawakan niya ang siko ni France para mapatigil ito sa paglalakad. Ayaw niyang makasalubong si Luke dahil baka sungitan lang siya nito. Higit sa lahat binilin na nito sakanya kagabi na huwag siyang lalapit dito sa loob ng skwelahan nila. "F-France kain muna kaya tayo ng almusal?" Ngumiti si France "Sige nagugutom na nga ako eh" Napalunok siya dahil pag tingin niya kay Luke nakakunot na ang nuo nito habang nakatingin sakanilang dalawa ni France "T-Tara na France sa kabila tayo daan" Mabuti nalang at sumunod agad sakanya si France pag liko niya sa kabilang hall way. Doon palang siya nakahinga "Iniiwasan mo si Luke?" maya maya tanong ni France sakanya "Kilala mo siya?" Tanong naman niya habang nakahawak siya sa kanyang dibdib ang bilis kasi ng t***k ng kanyang puso Ngumiti ito "Kilala siya ng lahat ng studyante dito." "G-Ganon ba?" "Nakita ko kasi nakatingin siya satin. So i guess kakilala ka niya?" "K-Katulong ako nila. Pinag aral lang ako ng mama niya dito" "Really?" "Oo. Kaya iniiwasan ko si Ser po-Si Ser Luke baka mapagalitan ako eh" Napabuntong hininga siya "Tara libre kita. Huwag mo na isipin yung ser mo" Biro nito sakanya bago siya nito inakbayan "Ay chansing ka" Biro niya kay France dahil inakbayan siya nito Natawa lang ito "Friends na tayo simula ngayon" Deklara nito kaya napangiti nalang siya Nilibre siya nito sa canteen ng kanilang paaralan. Marami siyang inorder dahil likas na makapal ang mukha niya Habang kumakain sila ni France masaya silang nag kwekwentuhan ng kung ano ano. Panay ang tanong nito tungkol sa buhay niya at kung ano ano pa Ngunit muntik na siyang mabila-ukan ng mapalingon siya sa bandang dulo ng canteen! Tumaas ata lahat ng balahibo niya dahil nandoon si Luke at nakatingin ito ng masama sakanya Agad siyang nag iwas ng tingin Umubo tuloy siya ng umubo kaya naman nag alala si France sakanya at hinagod hagod nito ang kanyang likuran "Are you okay Maria?" Nag aalala tanong nito bago siya bigyan ng isang basong tubig. Agad niyang ininom iyon "O-Okay lang ako. T-Tara mag eleven na pala pasok na tayo" Sinupot nalang niya ang ibang pag kain niya . Kakainin nalang niya iyon mamaya pag break time nilang muli Masayang natapos ang unang araw ni Maria sa skwelahan dahil na rin sa tulong ng kanyang bagong kaibigan na si France. Hinatid pa siya nito sa tapat ng hoffman's mansion. Nang makapasok siya sa mansyon agad siyang naligo at nag palit ng damit dahil mag lilinis pa siya "Oy hinahanap ka ni Ser Luke. Unahin mo raw linisin ang kwarto niya" bungad sakanya ni Berna ng makasalubong niya ito "Now na?" Tanong niya Kahit pagod na siya sa kanyang unang araw sa skwlahan wala naman siyang choice mag pahinga dahil nakakahiya iyon sa amo nila "Oo mukhang badtrip nga eh. Nakasimangot" Napangiwi tuloy siya Agad siyang pumunta sa kwarto nito Isang katok palang niya sa kwarto nito ng buksan nito ang pinto Napalunok siya dahil parang galit ito sakanya habang nakatingin ito "S-Ser lilinisin ko na ba yung kwarto mo?" Lakas loob na tanong niya "tss" Sinimangutan lang siya nito bago siya nito pinapasok sa loob Halatang badtrip ito dahil nakasimangot ito "Linisin mo lahat yan" Utos nito sakanya bago nito tinuro sakanya ang nagkalat na chichirya sa lapag ng center table nito Ngayon lang dumumi ang living room ng kwarto nito. Para bang sinadya nitong ibuhos ang ibat ibang chichirya sa sahig "A-Ano ho nangyari dito bakit ginawa mong confeti ang chips?" Biro niya bago niya kinuha ang walis at duspan sa gilid Hindi ito umimik at nakasimangot lang itong nakatingin saknya "First day mo palang nakipag boyfriend kana?" Hindi mapigilang tanong nito sakanya habang winawalis niya ang mga chichirya sa sahig Napalingon naman siya dito "Masama ba yun Ser?" Balewalang sagot niya Nag-tiim bagang ito dahil napansin nitong hindi na niya ito tinatawag na Ser pogi. Kundi Ser na lamang "Sinasayang lang ni mom ang pagpapaaral sayo" Suplado nitong sabi sakanya bago ito nag bukas muli ng isa pang chichirya at itinapon nito iyon muli sa sahig Napanganga tuloy siya sa pagiging isip bata nito. Ano bang problema nito ngayon? Impossible naman na nag seselos ito? Jusko suntok sa buwan! "H-Hindi ko naman ho boyfriend si France. Friends lang kami at mag-aaral naman ako ng mabuti Ser" naiinis na rin siya dahil nag kakalat lang ito. Winalis niya parin ang mga chichiryang kinakalat nito Masama parin ang tingin nito sakanya "Ser huwag mo naman sayangin yung chichirya" Sita niya rito ng muli nitong binuksan ang isa pang chichirya at itapon iyon "Hindi masarap eh" Suplado nitong sagot sakanya Napabuntong hininga nalang siya at pinagpatuloy ang kanyang paglilinis Kinuha nito ang cellphone nito at para bang may tatawagan ito "Hello babe?" Medyo malakas ang boses nito kaya napatingin siya dito napansin niyang hinihintay nitong lumingon siya Napakunot nalang ang nuo niya. Kailangan talaga malakas makipag usap? "Yeah! I miss you too!" Anito habang patingin tingin sakanya kung nakikinig ba siya. Malamang! Ang lakas kaya ng boses nito! Iniingit ba siya nito?? Napakunot lalo ang nuo niya Napangiti naman ito ng makitang kumunot ang nuo niya. Binalewala nalang niya ito at pinagpatuloy ang pag lilinis niya. Hindi na niya ito tinitignan kahit nakikipag usap ito sa nobya nito. Wala naman siyang ganang pakingan pa ang pakikipag usap nito eh. Maya maya lumapit ito sakanya at as usual nakasimangot ito "Bakit Ser?" Naiinis na ring tanong niya Masama ang tingin nito sakanya. "You're not allowed to have a relationship habang pinag aaral ka ng mom ko. Huwag mong sayangin ang scholarship na binigay sayo. Maliwanag ba?" Napakunot ang kanyang nuo sa sinabi nito "Kino-kontrol mo ba ako Ser? Wala sa usapan namin ni tita abby yan" Nakipag titigan naman ito sakanya. Para silang mga aso at pusa na nag babangayan "Ngayon meron na. And that's final. Hindi ka pwedeng magboyfriend habang pinag aaral ka." Napanganga nalang siya sa mga sinabi nito bago ito pumasok sa loob ng bedroom nito at binalibagan nanaman siya nito ng pinto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD