Chapter 44 "Ayos lang Ferds. Mag tataxi nalang ako" Sagot niya kay Ferds habang kausap niya ito sa kanyang cellphone. Maaga pa naman kaya hindi pa siya male-late sa kanyang trabaho Nagtatrabaho siya sa isang jewerly shop na pag mamay-ari ng pamilya ni France. Ginawa siyang store manager ni France sa jewerly shop na iyon. Halos isang taon na rin siyang nagtatrabaho roon. Kahit hindi siya nakapag tapos ng pag aaral natutuwa si France sakanya dahil maganda at maayos ang patakbo niya sa jewerly shop na iyon. "Sorry talaga love. Babawi nalang ako sayo mamayang lunch time." "Okay sige. Bye" "Okay love ingat ka ha." She hang up. Pinag patuloy nalang niya ang pag suklay sa kanyang buhok habang nakaharap siya sa salamin. Malambot parin iyon dahil sa hot oil treatment kahapon kahit nakali