Chapter 33 (Berna POV) "Hay nako Berna sinasabi ko na nga ba sayo bantayan mong maigi ang alaga mo" Napa-ubo si Berna habang kumakain sila sa kusina kasama ng mga kasamahan niyang kasambahay sa Mansyon. Sabay sabay silang napalingon kay Manang Celia ng pumasok ito sa kusina at nagtata-talak sakanya "Balita ko'y nilagnat si Maria doon kaya nasa hospital ngayon?" "B-Baka nahamugan lang yun Manang celia--" Palusot ni Berna ngunit pinutol agad ni manang celia ang kanyang sinasabi. Nabalitaan na rin niya iyon kanina lang kaya hindi na siya nagulat pa. "Nahamugan? Nagpapatawa ka ba Berna? Noon pa man panay na ang akyat niya sa kwarto ni Ser Luke hindi ko lang iyan pinagsasabihan. Pero ngayon aba sumama pa doon sa malayo. Ano nalang ang sasabihin ni mang jose? Pinabayaan natin ang anak