Chapter 18 Malamig, Maingay at maraming tao sa loob ng condo hotel ni Cassy. Kararating lamang ni Maria at Kenjie sa loob ng condo nito ngunit parang gusto na niyang umuwi. "Are you okay?" Bulong ni Kenjie sakanya marahil naramdaman nitong hindi siya komportable sa birthday party na iyon Panay sosyalerang babae kasi ang bisita ni Cassy. Ang akala pa naman ni Maria simpleng birthday party lang iyon katulad ng mga birthday party sa probinsya nila. Simpleng handaan kwentuhan kantahan sa karaoke. Ngunit ang birthday party na ito ay kakaiba sa kanya. Napakalaki naman kasi ng condo hotel ni Cassy! Maraming babae at lalakeng nag sasayawan sa bandang gitna. "A-Akala ko konti lang bisita" Bulong niya rin kay Kenjie Ito ang kasabay niyang pumunta roon sakay ng sports car nito. Ayaw man siyang p